Ang mga Babaylan ng Sinaunang Panahon
ni John N. Ponsaran
Ang mga babaylan ay pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino bilang mga nakatatanda at kagalang-galang na miyembro ng komunidad na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan na makipag-ugnayan sa mga entidad na supernatural. Kung ang datu ang siyang nangangalaga sa kapakanang pang-ekonomiya at pampulitika, ang mga babaylan naman ang may kinalaman sa aspetong panrelihiyon at pangkalusugan. Kilala ang mga babaylan sa iba’t-ibang katawagan tulad ng Katalonan (Tagalog), Baliyan (Ayta), Mabalian (Bagobo), Mumbaki (Ifugao), Baylan (Tagbanua) at iba pa.
Ang mga babaylan

Ang pagiging babaylan ay isang “pagtatakda.” Ito ay isang pribilehiyo sapagkat pili lamang ang mga napagkakalooban ng ganitong angking galing. Sa pamamagitan ng ganitong premonisyon ay nakakaramdam sila ng pahiwatig para sa ganitong panawagan na may layuning makatulong sa kapwa.
Sila ay walang pinag-iba sa mga karaniwang mamamayan ng komunidad. Sa usapin ng pang-araw-araw na gawain, ginagampanan din nila ang kanilang mga trabaho tulad ng pagsasaka, pangangaso, pangingisda at iba pa. Subalit dahil sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa kanilang komunidad bilang physician-priestess ay kinakailangan nilang tumalima sa mga tawag ng pangangailangan sa ayaw man nila o sa gusto.
Kasarian ng mga babaylan

Hindi eksklusibo ang pagiging babaylan sa mga babae tulad ng karaniwang paniniwala ng ilan. Ayon sa artikulo ni Prop. Sabino G. Padilla na pinamagatang Babaylan: Sa Pagitan ng Daigdig ng mga Diwata, Anito at Tao na inilathala sa Gamot, Tabak at Sandata, ipinaliwanag niya na walang itinatangi kung lalaki o babae ang pagiging babaylan. Subalit nilinaw niya na mayroong mga partikular na kultura na eksklusibo lamang ito sa mga babae o lalaki. Halimbawa, ang Mumbaking Ifugao ay isang lalaki subalit ang Baylan naman ng Mandaya ay isang babae.
Kolektibismo sa likod ng ritwal
Kolektibismo sa likod ng ritwal
Kapansin-pansin na ang pagsasagawa ng mga ritwal ay dinadaluhan hindi lamang ng babaylan at ng nagpapagamot kundi maging ng mga kamag-anakan at ilang mga nakikipanood. Mahalagang papel ang ginagampanan ng babaylan hindi lamang sa pagpapagaling ng maysakit bagkus ay sa ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani; pagtatagumpay sa isang digmaan; pagkasugpo sa peste at iba pa. Sa mga tagpong ito napapatunayan ang pagpapahalaga ng mga sinaunang Pilipino sa kolektibismo.
Tunggalian sa Katolisismo
Tunggalian sa Katolisismo
Ang mga namumuno sa pagsasagawa ng katutubong relihiyon ay dumanas ng matinding pag-atake at pagkundina mula sa mga hanay ng mga tagapagpalaganap ng Kristiyanismo. Karamihan din sa mga nasususlat (written accounts) patungkol sa mga babaylan ay akda ng tagatalang mga Kastila at misyonero kung kaya hindi maiiwasan na mayroon itong tendensiya sa paniniwalang higit na mataas ang antas ng kanilang kultura (ethnocentrism).
Upang makaenganyo ng mas maraming convert ay nagsagawa ng maigting na kampanya ang mga Katoliko laban sa katutubong relihiyon. Sinunog nila ang mga sinasambang idolo ng mga katutubo at binansagan ang mga ritwal ng pag-aalay bilang mga gawi ng demonyo. Maging ang mga babaylan na siyang namumuno sa mga gawaing ito ay kanilang hinusgahang mga kampon ng kasamaan. Itinaboy nila ang mga babaylan palayo sa parish-pueblo complex kung saan nakakonsentra ang mga colonial subject patungong kabundukan (hinterland) upang tuluyang supilin ang kalabang pananampalataya. Sa bandang huli ay nagtagumpay silang supilin ang katutubong sistema ng pananampalataya subalit nagpatuloy pa rin ang mga pagriritwal ng mga babaylan. Marami pa rin ang nanatiling palihim na sumasamba sa mga anito at diwata.
Ang banal na ritwal

Sa pagriritwal karaniwang iniaalay sa mga anito at ispirito ang mga espesyal na pagkain, ginto at mga alahas. Bago isagawa ang mismong ritwal ay gumagamit ang mga babaylan ng mga halamang gamot (hallucinugen) na nakapagdudulot ng pansamantalang pagbabago ng kamalayan na sinasabayan ng pag-inom ng katutubong alak at malalim na konsentrasyon. Bunga nito ay sumasailalim siya sa séance kung saan nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga espiritu. Bilang isang spirit-medium ay naipaaabot ng kinakausap na espiritu ang kanyang mga tagubilin at iba pang nais na iparating sa mga mortal. Pinaniniwalang na ang mga babaylan ay may kapangyarihan na malaman hindi lamang ang sanhi ng pagkakasakit kundi maging ang kahahantungan nito kung mamamatay man o gagaling pa. Kabahagi ng pagriritwal ang mga awitin at matatalinghagang mga salita na nagpasalin-salin na mula noong sinaunang yugto ng panahon hanggang sa kanilang panahon. Sa kanyang aklat na pinamagatang Relacion de las Islas Filipinas isinaad ni Loarca ang mapalamuti at magarbong kasuotan at head dress ng mga babaylan sa tuwing isinasagawa ang banal na ritwal. Bahagi rin ng kabuuang okasyon ang paghahanda ng altar kung saan ihahapag ang mga piling alay sa mga espiritu.
Patunay na patuloy pa rin ang babaylanismo
Patunay na patuloy pa rin ang babaylanismo
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga babaylan ng sinaunanang panahon bilang tagapangalaga ng kalusugan at pang-ispiritwal na kagalingan (welfare) ng mga katutubo. Naging laganap man ang kampanya ng mga paring misyonero laban sa kanila ay nagawa pa rin nilang maipagpatuloy ang katutubong ritwal sa mga tagong pook. Maging sa kasalukuyan ay nagpatuloy ang tradisyon ng panggagamot ng mga babaylan sa katauhan ng mga albularyo at hilot. Bagamat may ilang mga pagkakaiba ay patunay pa rin ito na hindi tuluyang nabura ang katutubong kalinangan. Patuloy pa rin itong naipasa mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
(Ang artikulong ito ay unang nailathala sa History Page ng Kabayan)