Thursday, December 09, 2004

Lalawigan by Gary Granada

Lalawigan
by Gary Granada
Verse 1
Narito sa lalawigan ang una mong pag-ibig
Ang iyong mga kaibigan, ang iyong mga kapatid
Si Juan minsa'y nangarap, at kung saan saan pa nagpunta
Ang asensong hinahanap, sa lalawigan lang pala.
Chorus 1
Dito lang matutupad ang hinahangad
Dito lamang uunlad at lalawig ang bukas
Dito lang nagmumula ang yaman ng ating bansa
Dito tayo gagawa, sa kinagisnang lalawigan
Verse2
Ang damdaming makatao dito din natutunan
Mga ugaling Pilipino, gaya ng pagdadamayan
Sa siyudad ibang sistema, sa sobrang kasikipian
Pati na sa iyong problem, halos walang mahingahan
Chorus 2
Dito mo ako mahalin, dito natin didiligin
Palagihi't palaguin ang ating sumpaan
Dito tayo mamumunga, gigiik at giginhawa
Sasaya at sasagana sa kinagisnang lalawigan
Dito tayo titira, sisikhay at sisigla
Tatagal at tatanda sa kinagisnanag lalawigan.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...