Wednesday, December 08, 2004

Usaping Pangkalusugan

KALUSUGAN, EKONOMIYA AT PULITIKA
ni John N. Ponsaran
University of the Philippines
jnponsaran@yahoo.com

Mariing tinututulan ng hanay ng mga progresibo at maka-kaliwang grupo ang patakaran ng pamahalaan sa pagbabadyet. Partikular dito ang patuloy na pagliit ng nakalaang salapi para sa batayang serbisyong pangkalusugan ng mamamayang Pilipino upang higit na mapagtuunan ng pansin ang dayuhang pagkakautang (foreign debt) at ang pagpapaunlad ng Sandatahang Panlakas ng Pilipinas o AFP. Sa kabuuan, hindi lamang ito payak na usapin ukol sa pananalapi kundi isang malalim na usapin na naka-ugat sa kolonyal na kasaysayan ng Pilipinas. Kumbaga, ang Pilipinas ay isang “republikang papet” ng International Monetary Fund-World Bank, korporasyong transnasyunal at Estados Unidos. Nakapanlulumo subalit ito ang mapait na katotohanan.

* * *
Ayon kay dating-WHO Director General Hiroshi Nakajima, M.D., “Increased longevity without quality of life is an empty prize. Health expectancy is more important than life expectancy.” Karaniwang iniuugnay ang kalusugan sa mas mahabang buhay. Subalit ano nga ba ang halaga ng mas mahabang buhay sa gitna ng kagipitan, pagkakasakit, sakuna bunga ng kapabayaan ng tao, malawakang taggutom, at kawalan ng katarungang panlipunan (social justice), at iba pa? Bunga ng modernong paraan ng panggagamot, mas humaba ang buhay ng tao. Subalit, kaugnay ng unang katanungan, mayroon ba itong mataas na kalidad (quality of life)?

* * *
Sa isang artikulo na aking naisulat ukol sa Filipino Indigenous Healing Tradition bilang bahagi ng aking pananaliksik sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), aking binigyang diin na ang paglaganap ng katutubong paraan ng panggagamot ay reaksyon sa mataas na halaga ng gamot at hospitalisasyon, kakulangan ng batayang serbisyong pangkalusugan at maka-Kanluraning oryentasyon ng medisina sa bansa. Ayon sa artikulo, “…the twin evils of corporate greed (which lead to the skyrocketing prices of commercial medicine) and government neglect (which relegated public health at the backburner) have lead to the popularization and proliferation of the folk healing tradition like hilot, tawas, and faith healing in the Philippines. It is also a form of defiance to the elitist, exclusive, and materialistic brand of Western medicine.”
(Ang artikulong ito ay naunang nailathala sa KATAPAT)

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...