Sunday, September 11, 2005

Pulitika

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pangatwiranan ang sagot.

-Ano ang maaaring asahan ng mamamayan mula sa panukalang 1.053 trilyong pisong badget para sa taong 2006?
-Ano ang opinyon mo sa debt-for-equity na nilalakad ni JDV upang maibsan ang matinding pagkakabaon ng Pilipinas sa pagkakautang (debt trap)?
-Sagot ba ang pagbubuo ng Republic of Mindanao na hiwalay sa estado ng Pilipinas sa problema ng rebelyon at kahirapan sa katimugan ng bansa?
-Sagot ba ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa?
-Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Akbayan Party-list Rep. Rosales na ang mayroon tayo sa bansa ay ‘politics of trade-off and pay-off’?
-Kung gagawing pamantayan ang kakayahan at katapatan sa panunungkulan, ano ang hatol mo sa kasaluluyang economic team ni PGMA (Teves, Favila, Neri, Santos, etc.)?
-Ano ang naging impluwensya ng mga isinagawa at isinapublikong sarbey ng SWS, Pulse Asia at Ibon sa kinalabasan ng pagdinig sa Mababang Kapulungan ukol sa impeachment?
-Basahin ang artikulo ukol kay Mayor Rodrigo Duterte ng Davao na pinamagatang The Punisher na inilathala ng Time magazine noong ika-1 ng Hulyo 2002. Ano ang imaheng nabuo sa iyong isipan ukol sa kanyang paraan ng pamumuno (style of leadership)? Sang-ayon ka ba dito?
-May maiaambag ba ang RVAT, RATE, RATS at RIPS ng pamahalaan sa pagbibigay solusyon sa budget deficit na matagal nang problema ng bansa.
-Para kay PGMA, ang 158-51 na naging resulta ng botohan sa Kamara de Representante ukol sa Justice Committee Report 1012 ay isang ‘grand display of political maturity’. Sumasang-ayon ka ba rito?
-Ayon kay Prof. Randy S. David, bakit maaaring ituring na ‘beneficial lie’ ang pagkapanalo ni GMA noong eleksyong 2004?
-Ano ang opinyon mo sa kontrobersyal na pagpapalit-palit ng desisyon ng Korte Suprema ukol sa pagiging konstitusyunal ng Mining Act of 1995 at ng Reformed Value Added Tax Law?
-Natutugunan ba ng BEAT THE ODDs (10-point agenda) ng administrasyon ni PGMA ang malawakang kahirapan sa bansa?

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...