solidaridad (along faura)-pag-aari ni f. sionil jose. specialized na book shop ito para sa agham panlipunan at literatura, may kamahalan pero nandito ang mga bagong lathalang babasahin. namimigay din sila ng lumang kopya (back-issues) ng Solidarity dati (hindi na 'ata ngayon). kalimitan din itong binibisita ng mga academics, statesmen, at foreign dignitaries.
powerbooks (robplace)-mahal pero sulit. bihirang-bihira ako sumadya dito. si jm eneria (ds major) ang mas pamilyar dito.
booksale (pedro gil cor. leon guinto)-mura pero konting tiyagaan nga lamang sa paghahanap. mas malimit ako rito noong estudyante pa lang ako.
booksale (robplace-adriatico wing)-same as the above. kalakhan ng kolekyon ko ay dito ko nabili (mula sa halagang 5 hanggang 95 piso). sulit.
asian social institute (along leon guinto at the back of Iglesia Filipina Independiente)-alternatibong mga babasahin. sa mga kumukuha ng socio 101, maaaring makabili rito ng librong pinamagatang "Socio:Isang Sulyap" na isnulat ni Rosalie Matilac. 50 piso lang, newsprint. alternatibong diskurso ito sa pag-aaral ng sosyolohiya.
manila studies program (cas)-sumadya lamang sa opisina nila sa unang palapag ng AS. hanapin si ms. georg. may mga occasional papers din sila ritong itinitinda na isinulat nina professors r. simbulan, n. simbulan, villegas, segovia, almeda, del prado-lu, atpb. kung hindi ako nagkakamali 10 piso lang yata kada kopya.
ibon foundation (sta. mesa)-mapanuri at progresibong babasahin. karaniwang sinasadya ito ng ds, as, at ps majors para sa kanilang mga pananaliksik. makakatulong din kung sumadya muna sa www.ibon.org. v.p. nito si doc ed. 'staple' reading ito para sa ds 100, ds 121, ds 122, etc.
you have 4 options:
una, 'wag bumili
ikalawa, bumili pero i-display lang ang mga libro para ipaketeng intelektwal ang sarili.
ikatlo, bumili, magbasa at magpakadalubhasa (jeremy)
ika-apat, sumadya at magbasa ng libre
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...