Wednesday, January 04, 2006

Tugon sa Budget Deficit

Tugon ni Ate "Glue" sa Budget Deficit
ni diwangpalaboy

Pilit na pinanatili ng national government (NG) na huwag ng humigit pa sa Php 180 B ang budget deficit ng bansa. Para isakatuparan ito, heto diumano ang sagot: tax reform package, lateral attrition law (LAL) at energy conservation (enercon). Sa tingin ko ay enercon lang sa tatlong ito ang 'di gaano kinuyog ng kabi-kabilang kontrobersya. Hindi ko na tatalakayin ang isyu ukol sa tax reform partikular sa E-VAT. Sapat ng tingnan ang editorial cartoon ng PDI noong ika-4 ng buwang ito upang ito ay bigyang diin at linaw. Itinampok sa caricature ang tunggalian ng interes ng mga karaniwang mamamayan at ng pamahalaan (na kapwang nagpapambuno).

Mistulang reward and punishment system naman itong lateral attrition law. Isinasaad ng batas na ito na mapaparusahan ang mga opisyal ng BoC at BIR kung mabibigong makakulekta ng mas mababa sa 10% ng inaasahang halaga o target. Subalit kung mahigitan naman ang target ng 10% ay may aasahan silang insentibo (10% ng kabuuang halaga ng labis na nakulekta). Ayon sa pamahalaan, mas magiging episyente diumano ang BoC at BIR sa pamamagitan ng patakarang ito. Subalit bakit kailangang tumanggap pa ng insentibo ang mga kawani ng mga nasabing tanggapan? Hindi ba't trabaho naman nila talagang maging mabisa (efficient) at mahusay (competent) sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ito ang karaniwang argumento ng mga kritiko ng LAL.

Naging epektibo ang kampanya para sa enercon sa pagpapababa ng kagastusan ng pamahalaan sa kuryente. Maging ang Department of Budget and Management (DBM) ay hindi nakaligtas sa kahihiyan nang ito mismo ay bumagsak sa pamantayan ng enercon sa isang biglang pagbisita ng mga enercops o ang energy audit team sa kanilang mga tanggapan. Kahiya-hiya, kagawaran pa man din ng pagbabadyet ng limitadong pondo ng pamahalaan.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...