Monday, May 22, 2006

DS Practicum '06

Binabati ko ang mga masisikhay, matatatag at responsableng DevStud student-practicumers na lumubog, nakipamuhay at nakiisa sa malawak na masa sa mga lalawigan ng Rizal, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Zambales at Pangasinan para sa taong 2006.

Inaasahan na mas magiging malalim, matalas, siyentipiko at kritikal ang inyong pag-aaral ng kasaysayan, lipunan at kulturang Pilipino mula sa karanasang ito.

Sinubok ng mahigit sa isang buwang gawaing ito ang inyong pisikal na katatagan (para sa mga may asthma); lakas ng loob; kakayahang magbadyet; angking talino, karisma (Ms. Jose, take note!) at husay sa pakikisama sa kapwa at pag-angkop sa pabago-bagong sitwasyon at sa inaasahan (at 'di-inaasahang) mga suliranin.

Sa kabuuan, ang practicum (tulad ng maraming bagay) ay higit sa inaasahan (anuman ang pagpapakahulugan natin dito).

Binabati ko partikular ang aking mga advisees:
-grupo ng Cavite (para sa inihanda nating tanghalian (tilapia at tortang talong na nalunod sa itlog); masayang barkadahan ninyo nina Buloy; pakikiisa sa Tagaytay 5; pakikiisa sa mga magsasaka ng kape at prutas sa probinsya ng Kabite; Chowking mula sa Cordero family; pagkuha sa cell# ni Maria Theresa Pangilinan (kaso 'di active e); pagbalanse sa sitwasyon; at marami pang iba)

-grupo ng Laguna (para sa komprehensibo at kritikal na pag-aaral ng mga "proyektong pangkaunlaran" ng pamahalaan at pribadong sektor sa probinsya ng Laguna; pagbalanse sa sitwasyon; pagsundo ni Jon Jamora at K2 sa akin sa may tabi ng riles; para sa pakiki-umpok sa akin noong Mayo 1 at iba pa)

-grupo ng Rizal (para sa napakasarap ng sinigang na sardinas; organisadong balangkas at pagpapadaloy ng mid-assessment; pabaong mga progressive readings, posters; pagsundo ni Sharlene sa kanto; pagsama ni Julian ng NNARA Youth-PUP para 'di ako maligaw sa pagbalik sa urban jungle; kagyat na pagtugon sa mga hinihingi kong updates-pinakaprompt si Ortiz)

-grupo ng Batangas (para sa mala-ACLE na final assessment partikular sa A-Z; student-centered at napakahusay na pagpapadaloy ng final assessment; pagiging bukas sa CSC; mahusay na visual-aids (na sinubok at pinanday sa PAMAG); pagsundo ni Ma'am Dionisio at Ma'am Jose; merienda-kapeng barako, sweets, piniritong saba)

Maraming salamat sa pakikiisa ng mga POs, komunidad at pamilya, kaguruan ng DSS, mga magulang, miyembro ng NNARA (sa mga giya at lalo na kay kuya Reggie) at mga mag-aaral.

Muli, taas kamao para sa inyong lahat
mula sa kapwa n'yo mag-aaral ng kasaysayan at lipunan,
diwang palaboy

Thursday, May 11, 2006

CAUSE OF ALARM

· RANKED 2ND MOST DANGEROUS PLACE FOR JOURNALISTS IN THE WORLD (ACCORDING TO PARIS-BASED REPORTERS WITHOUT FRONTIERS AND INTERNATIONAL FEDERATION OF JOURNALISTS)

· RANKED 117TH IN THE 2005 TRANSPARENCY INTERNATIONAL PERCEPTION INDEX

· UNICEF IDENTIFIED RP’S PROGRESS ON CHILD NUTRITION UNDER THE MDG AS “INSUFFICIENT.” OF THE CHILDREN UNDER THE AGE OF 5, 28% ARE OVERWEIGHT; 30% ARE STUNTED; 6% ARE DANGEROUSLY THIN

· 2.8 MILLION FILIPINO FAMILIES WERE HUNGRY IN THE PAST THREE MONTHS ACCORDING SWS SURVEY

· 41 JOURNALISTS WERE MURDERED DURING THE GMA PRESIDENCY

Wednesday, May 10, 2006

synonyms ng cha-cha; gloria 2010 and beyond

synonyms ng cha-cha; gloria 2010 and beyond
ni diwang palaboy

political bribe (which PGMA is good at)

term extension (na malamang ay political perpetuation)
foreign domination (saklaw pati pagmimina, midya at edukasyon)

centralism, warlordism, unicameralism

oligarchy, aristocracy
conspiracy, rubber-stamp bureaucracy

mass deception, no election (noel)

cha-cha as panacea: grand illusion (naka-droga yata itong si gloria)

kuntsabahan, incorporated
puno, lambino, JDV, defensor, abueva at ermita
kasama ang mga bayarang peryodista, kolumnista at propagandista
puno't dulo: katanyagan, kapangyarihan at pera

cha-cha ba kamo? (expect more bolante, garci and "i am sorry")

GMA 2010 and beyond?
sama-samang bibiguin ng mga mulat na mamamayan, oposisyon, pang-masang kilusan, progresibong samahan at ng hukbong bayan

negative 37% net disapproval
ayaw kay arroyo bilang punong ministro

magbotohan man ngayon mismo
kahit sinong itapat, tiyak panalo

PGMA
Pangulong
Garapal
Manhid at
Atat

pambansang nunal
pambansang hate symbol
pambansang kahihiyan

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...