Binabati ko ang mga masisikhay, matatatag at responsableng DevStud student-practicumers na lumubog, nakipamuhay at nakiisa sa malawak na masa sa mga lalawigan ng Rizal, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Zambales at Pangasinan para sa taong 2006.
Inaasahan na mas magiging malalim, matalas, siyentipiko at kritikal ang inyong pag-aaral ng kasaysayan, lipunan at kulturang Pilipino mula sa karanasang ito.
Sinubok ng mahigit sa isang buwang gawaing ito ang inyong pisikal na katatagan (para sa mga may asthma); lakas ng loob; kakayahang magbadyet; angking talino, karisma (Ms. Jose, take note!) at husay sa pakikisama sa kapwa at pag-angkop sa pabago-bagong sitwasyon at sa inaasahan (at 'di-inaasahang) mga suliranin.
Sa kabuuan, ang practicum (tulad ng maraming bagay) ay higit sa inaasahan (anuman ang pagpapakahulugan natin dito).
Binabati ko partikular ang aking mga advisees:
-grupo ng Cavite (para sa inihanda nating tanghalian (tilapia at tortang talong na nalunod sa itlog); masayang barkadahan ninyo nina Buloy; pakikiisa sa Tagaytay 5; pakikiisa sa mga magsasaka ng kape at prutas sa probinsya ng Kabite; Chowking mula sa Cordero family; pagkuha sa cell# ni Maria Theresa Pangilinan (kaso 'di active e); pagbalanse sa sitwasyon; at marami pang iba)
-grupo ng Laguna (para sa komprehensibo at kritikal na pag-aaral ng mga "proyektong pangkaunlaran" ng pamahalaan at pribadong sektor sa probinsya ng Laguna; pagbalanse sa sitwasyon; pagsundo ni Jon Jamora at K2 sa akin sa may tabi ng riles; para sa pakiki-umpok sa akin noong Mayo 1 at iba pa)
-grupo ng Rizal (para sa napakasarap ng sinigang na sardinas; organisadong balangkas at pagpapadaloy ng mid-assessment; pabaong mga progressive readings, posters; pagsundo ni Sharlene sa kanto; pagsama ni Julian ng NNARA Youth-PUP para 'di ako maligaw sa pagbalik sa urban jungle; kagyat na pagtugon sa mga hinihingi kong updates-pinakaprompt si Ortiz)
-grupo ng Batangas (para sa mala-ACLE na final assessment partikular sa A-Z; student-centered at napakahusay na pagpapadaloy ng final assessment; pagiging bukas sa CSC; mahusay na visual-aids (na sinubok at pinanday sa PAMAG); pagsundo ni Ma'am Dionisio at Ma'am Jose; merienda-kapeng barako, sweets, piniritong saba)
Maraming salamat sa pakikiisa ng mga POs, komunidad at pamilya, kaguruan ng DSS, mga magulang, miyembro ng NNARA (sa mga giya at lalo na kay kuya Reggie) at mga mag-aaral.
Muli, taas kamao para sa inyong lahat
mula sa kapwa n'yo mag-aaral ng kasaysayan at lipunan,
diwang palaboy
Monday, May 22, 2006
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...