Imbitasyon*
ni Diwang Palaboy
(bilang pakikiisa sa mga Aeta**)
Tumikim ng malinamnam na bayawak na may pampalasang tanglad
Isaisantabi ang kinasanayan sa lungsod
Subukan ang bago
Anumang bago sa 'yong paningin, panlasa at pantikim
Makipagtalapapagan sa mga matubag (elders)
Maglakbay sa ilog na natabunan ng lahar
Makisangkot
Umakyat ng bundok
Manghuli ng kulasisi (uri ng ibon)
Manghuli ng paniki
Danasing yakapin ng hamog
Magkalakal ng gulay sa labas ng Pure Gold
Makipanayam
Mamulat at magmulat
Mag-organisa ng pulong-bayan
Iwaksi ang layaw ng katawan
Matulog sa bahay na yari sa kawaya't kugon
Uminom sa matamis na tubig sa batis
Mainitan ng araw (at mangitim)
Kabahan paminsan-minsan
At mangapa sa dilim
Magsaliksik
Unawain ang kahalagayan ng pagtitipid
Sumunod sa kaisahan
Magulat (at manggulat)
Lumubog sa kanayunan
Pagyamanin ang karanasan
Magpakumbaba sa masa
Matuto sa isa't isa
*batay sa karanasan ng may- akda sa kanyang DS 190 noong 1999
**2006 Aeta Day (Agosto 9-11)
Wednesday, August 09, 2006
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...