Sunday, January 07, 2007

Pagkilala

Pagkilala sa isang kaibigang nagtapos ng medisina sa Peyups (UPCM) na piniling maging municipal health officer (MHO) ng isang pulo sa probinsya ng Quezon sa kabila ng mas malaking kita at kapanatagan sa Maynila o ibayong-dagat.

Pagkilala sa kolumnistang si Ellen Tordesillas dahil sa pananatiling buo ng kalooban sa kanyang pagpuna sa administrasyong Arroyo sa kabila ng panggigipit ni FG at ng kanyang dinaranas na malubhang karamdaman (cancer).

Pagkilala kay Student Regent Sanchez at Faculty Regent Simbulan dahil sa prinsipyadong tindig laban sa tuition and other fee increase (TOFI).

Pagkilala sa mga mass leaders na patuloy na nag-oorganisa ng komunidad sa kabila ng banta ng pamahalaan sa kanilang buhay at kabuhayan.

Pagkilala kay Atty. Ursua dahil sa kanyang prinsipyado at masikhay na pagtatanggol kay Nicole (micro) at sa pambansang soberanya ng Pilipinas (macro).

Pagkilala sa lahat ng mga working students na pareho at pantay na natutugunan ang dalawang mabigat na responsibilidad ng paghahanap-buhay at pag-aaral ng mabuti (student assistants, fast food crew, tutors, call center agents, etc). Bukod pa diyan ang kanilang pagiging aktibo sa mga makabuluhang samahan/organisasyon sa loob at labas ng pamantasan.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...