- Ihanda na ang reserbasyon ng LT at ng mga kakailanganing kagamitan (LCD, laptop, atbp) ng mas maaga.
- Repasuhin ang balangkas ng programa. Ihanda na rin ang lay-out nito. Ipakita sa akin sa June 5 ng umaga (10 am).
- Ipakita rin sa akin sa June 5 ang plano ng program committee sa dekorasyon ng stage (banner lang naman ang kailangan at ilang pirasong malong)
- Titipunin ko sa June 5 ng umaga ang mga bumubuo sa clearing house sub-committee ng exhibit committee para pag-usapan ang mga litratong (10-15) isasama sa panel ng bawat grupo (7). Inaasahang hawak na ng clearing house sub-committee ang mga litrato ng 7 grupo sa araw ng iyon. Inaasahan ding may mga representante ang bawat grupo sa pulong na ito.
- Simulan nang mangulekta ng kontribusyon para sa ihahandang pagkain batay sa napag-kaisahan ng food committee.
- Paghandaan na ang presentasyon na itatanghal ng bawat grupo (PPT/Flash presentation, etc.). Siguraduhing dadaan ang mga ito sa content at language editing ninuman sa pinagkakatiwalaang kamag-aral (kabilang man o hindi sa grupo). Maaari n'yo ring ikonsulta ito sa akin, kay Atty. Baguilat, Dr. Villegas, Kuya Reggie at Amihan (kapwa mga NSTP professor na rin sa University of Makati). Tumukoy lamang ng 2 taga-pagsalita para sa aktwal na presentasyon. Unuulit ko po: Hindi kailangang ilahad lahat ang inyong karanasan at natutunan sa erya sapagkat naitala na ito sa inyong written reports (journal, technical paper, lexicon)
- Bigyang diin ang mga isyung panlipunan, mahahalagang kaalaman (facts and figures), natatanging tagpo at rekomendasyon sa presentasyon ng bawat grupo. Hindi nangangahulugang puro PPT presentation ang paraan ng paglalahad.
- Simulan na ang pagsusulat ng tula (para sa mga mag-aaral na kabilang sa poetry reading).
- Simulan na ang pagbuo ng PPT/Flash presentation para sa Parangal sa mga PO at Giya.
- Ipaalam na sa mga PO at foster parent ang araw ng pagtatanghal habang maaga.
- Inaasahan po ang kooperasyon ng bawat isa.
Wednesday, May 30, 2007
Practicum Conference
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...