- Nanalo ako sa Lotto 6/49 noong Linggo! 4 sa 6 na numero. P800 ang premyo. Nagastos ko na. Ika-4 na taya ko ito sa Lotto simula noong ipinanganak ako. Unang panalo.
- Dahil sa init ng panahon, napakadaming na-stroke at inatake sa puso (mga traydor at life-style related na sakit) noong nakaraang 2 buwan. Mangyayari ito taun-taon (Abril-Mayo).
- Dahil sa kawalan ng impormasyon ukol sa 300% na pagtaas ng matrikula sa Peyups, madaming freshies ang hindi nakapag-enroll. Kulang ang pera. Dinaig pa ng UP ang mga pribadong kolehiyo dahil sa napakalaking porsyento ng pagtataas ng matrikula nito.
- Talo si Ali Atienza! Una, ibinuhos ng oposisyon ang suporta kay Lim (Erap, Lacson, Lopez, atpb.). Ikalawa, balwarte ng oposisyon ang Maynila (noon hanggang ngayon). Ikatlo, kaalyado ni Lito Atienza si Gloria at "kiss of death" ang pagkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Ayun, collateral damage tuloy itong si Ali (malas!). Ika-apat, sa mga nasaksihan kong kampanya ay bihirang pinagsasalita ni Lito ang kanyang anak. Lalo tuloy nagmukhang walang gulugod itong bagito. Puro ngiti at kaway lang. Akala ko tuloy ay pipi itong si Ali. Panghuli, epektibo ang kontra-krimen na plataporma ni Lim lalo't higit ang aspetong ito ang napabayaan ni Atienza.
Thursday, May 24, 2007
Random Thoughts
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...