- salamat dahil bukas na ulit ang cas lib tuwing sabado. isinasara ito dati para raw magtipid sa kuryente at dahil kakaunti naman ang pumupunta rito tuwing araw na 'yon.
- dumami ang mga peste (ipis dagat, mala-pusa sa laki na mga daga, atbp.) sa baywalk dahil sa hilera ng mga kainan noong pamamayagpag ni lito atienza.
- may white tea ang One para tapatan ang C2 green tea na ayon sa pakete nito ay may 5 ulit na dami ng anti-oxidants kaysa sa green tea.
- nangangampanya na ba agad itong si recto para sa 2010? appeal-to-pity ang kanyang mga anunsyo ukol sa kanyang pagkatalo sa nakaraang halalan.
- nanganganib ang maraming namumuhunang koreano dahil sa paggamit nila ng pinoy dummies sa kanilang mga negosyo sa bansa.
- tuwing may krisis, lumuluha ng dugo at nagpapawis ng (nakagagamot?) na langis ang birheng maria. dumarami rin ang mga manggagamot. sa aming pag-aaral ni prof. karganilla ukol sa mga manggagamot sa ika-5 distrito ng maynila na pinondohan ng national institutes of health (nih), lumalabas na malaking tulong pampinansya ang sideline na ito dahil sa mga natatanggap nilang donasyon mula sa mga sumasampalataya. karamihan pa nga sa kanila ay full-time folk healers. sa pananaw ko, sagot ito ng mga maralita sa mababang kalidad ng public health system sa bansa at sa nagtataasang presyo ng gamot at pagpapaospital. may kaugnayan din ito sa sinaunang tradisyon ng babaylanismo sa bansa. subalit may mga kaduda-dudang manggagamot na mala-sindikato na nagbebenta ng cure-all pawis ng kabayo sa halagang 3,000 piso (at may calling card pa). ang labo!
- ipinagmamalaki ng estados unidos na mayroon itong mga modern values na rekisito sa pagiging maunlad at industryalisado. pero nangunguna ito sa pagiging mapamahiin noong ika-7 ng hulyo '07 (7-7-7). madaming nagpakasal ng sabay-sabay. fully-booked ang mga casinos. swerte daw. ang kuleeet! sinunggaban ng mga kapitalista ang pagiging mapamahiin ng ilang mga kanong nagkukunwang siyentipiko mag-isip, rasyunal, abante at kosmopolitan.
Monday, July 09, 2007
random thoughts (wala lang)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...