- sabi ng isang oriental, lahat daw ng mga maputing bagay na ito ay masama kung sobra-sobra ang ating pagkonsumo (asukal, asin at kanin). maaaring ang tinutukoy din niya ay ang pagkawala ng sustansya dahil sa sobrang pagpoproseso, partikular sa kaso ng asukal at bigas.
- sa mga interesado, nagpapa-ampon si dr. kho (natsci at physics prof.) ng dpsm ng mga alaga niyang pusa sa bahay. sa mga hindi nakakaalam, regular na dinadalhan ni dr. kho ng pagkain 2 beses isang araw ang iba pa niyang mga alagang pusa sa cas at pgh. binibigyan din niya ng mga bitamina ang mga ito. dinadala rin niya sa beterinaryo kung kinakailangan. para naman hindi na sila masyadong dumami pa, pinapakapon (castrate) niya ang ilang barakong pusa. sa kabuuan, napakagastos daw. oo nga pala, may mga pangalan siya para sa bawat isa sa kanila at naturuan na rin niya ng mga tricks ang ilan sa mga ito. very interesting!
- para sa 4th year devstud, pumili ng angkop na cognates para sa inyong planong career path.
- para sa lahat ng mga gustong magbalik-aral sa kasaysayan 1 & 2, iminumungkahi ko na bisitahin ang benjaminmangubat.multiply.com. bukod sa mga tula at lathalain, naka-upload din dito ang kanyang mga lectures para sa mga asignaturang nabanggit.
- ang up ay mapagpanggap. sa pakikipagkwentuhan ko BRM (isang kapwa-guro na hindi ko naging guro pero itinuturing ko na maraming naituro sa akin) nagkukunwari itong liberal pero sa katotohanan ay nanatiling konserbatibo ang maraming sektor na bumubuo dito. sumasang-ayon ako.
- "ingat" sabi ng anunsyo ng biogesic. ok 'yun para iwas sakit, iwas alalahanin, iwas gastos at 'di na kailangan pang bumili ng gamot.
- according to reamillo (a social realist), organized religion and consumer culture are 2 globally destructive influences. If interested, check: http://www.asiaweek.com/asiaweek/magazine/nations/0,8782,106810,00.html
- intellectual honesty (i know what i do not know)
Thursday, July 26, 2007
random thoughts
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...