Friday, August 17, 2007

ka(saysay)an

  • ang pag-alala kay gat. andres bonifacio taun-taon ay sa pamamagitan ng kanyang kapanganakan, hindi kamatayan (alam nating malagim ang sinapit ni ka andres sa kamay ng kapwa pilipino)-sanitizing philippine history
  • ang pag-aaral ng kasaysayang pilipino ay mas nakatuon dapat sa kasaysayan ng mga pilipino, hindi lamang kasaysayan ng mga mananakop sa pilipinas. kung gayon, colonial history of the philippines ang dapat na tawag dito, hindi filipino history.
  • colonization 101: spanish colonization (force+religion); american (force+education); japanese (force+appeal to ethnicity or "asia for asians") COMMON DENOMINATOR: FORCE
  • may mga puristang mananalaysay o historyador na naniniwalang ang pag-aaral ng kasaysayan ay dapat nakabatay sa dokumento. walang dokumento=walang kasaysayan
  • ang kasaysayan ng maraming bansa ay nananatiling nakasandig sa "great men theory." tanging mga pinuno lamang (na karaniwan ay mga lalaki) ang sentro o tampok sa kasaysayan (hal. Jesus, Ninoy, Mao, Hitler, Marcos, atbp.) . kumbaga, "inarticulate" ang mga kababaihan, katutubo at ang anakpawis.
  • ang pagsusulat ng kasaysayan ay usapin ng kapagyarihan. karaniwan, ang mga naghaharing uri ang nagsusulat ng itinuturing na opisyal na kasaysayan.
  • ang kasaysayan ay ang pag-aaral ng lumipas samantalang ang historyograpiya ay ang paraan/ istilo/lapit o dulog (approach) sa pag-aaral nito.
  • ang isang mag-aaral ng kasaysayan ay parang "basurero" sa pagsasalarawang literal (hinahalukay ang madaming tambak na papel) at piguratibo ("hinahalukay" mo ang mga isyu na hindi naitampok o interesado ang iba).

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...