Salamat ng marami sa mga tumulong sa mga kaibigan kong Aeta (sina Aling Norma at Linda) sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga katutubong produkto (bamboo flute o "bulugudyong" at "kulasisi").
Sa kanilang komunidad ako lumagi sa loob ng 1 at 1/2 buwan bilang student-practicumer sa DevStud Program noong 2000.
Nakita ko silang naglalakad sa may M.H. del Pilar St. at Roxas Blvd. at hinimok na bumisita sa UP Manila sa pagbabakasakaling makabenta rito.
Salamat sa inyo dahil makakabalik na sila sa Pampanga. Matagal silang hindi nakabenta sa metropolis dahil sa sunod-sunod na pag-ulan noong isang linggo.
Para sa mga interesado, maaaring basahin ang aking kauna-unahang post sa blog na ito noong December 2004. Ang balangkas na iyon ay halaw sa aking karanasan sa pakikipamuhay sa mga katutubong Pilipino.