Friday, October 19, 2007

Concern?

Walang malasakit ang karamihan sa mga taga-lungsod para sa kalikasan. Bunga ito ng kanilang kawalan ng direktang ugnayan sa kalikasan (physical and psychic). Tuluyan nang naging digitized, mcdonaldized at commercialized ang kanilang buhay at ikinabubuhay. Pero ayon sa inilabas na McCann International Study kamakailan, ang pangunahing alalahanin (concern) ng mga Pilipinong taga-lungsod (sa pagitan ng edad 12-60) ay ang laganap na polusyon sa hangin at tubig. Palagay ko naging alalahanin lamang ito sa kanila nang tuwiran na nilang nararamdaman ang masamang epekto ng polusyon sa kanilang buhay at kabuhayan (at hindi dahil sa mas dakilang layunin). Sana mali ako.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...