Unang Tagpo
Nakiusap ang isang miyembro ng student org sa isang propesor na padaluhin ang kanyang mga mag-aaral sa isang programang kanilang inorganisa. Hindi pumayag ang propesor dahil mahal na raw ang matrikula ng mga freshies kaya mas minabuti niyang ituloy ang klase.
Ikalawang Tagpo
May isang propesor mula sa Asian Social Institute na bumisita sa Kutang Bato para katagpuin ang kanyang kaibigan. Nakita niya ang babalang NO STUDENTS ALLOWED sa silid. Nagkomento ang propesor na hindi pala siya maaaring pumasok dahil itinuturing niya ang kanyang sarili bilang "student of life".