Wednesday, November 21, 2007

Hindi lahat ng produktong may murang presyo ay mura talaga.

Ang mga produkto sa pamilihan na may murang presyo sa kabila ng malaking pinsalang idinulot nito sa kalikasan ay hindi talaga mura sa katotohanan. Ipinapasa lamang ng mga prodyuser at mamimili ang "cost" sa mga susunod na henerasyon sa porma ng:

  • maduming kapaligiran (na banta sa kalusugan)
  • papaunting bilang ng likas-yaman (na banta naman sa kabuhayan)
  • at ibang problema na maaaring ibunga ng dalawa.

Iba ngunit kaugnay na isyu kung ang mga manggagawa sa pabrika ay binabarat at ginigipit ng kanilang amo sa porma ng mababang sahod. Sa pamamagitan nito ay ipinapasa sa kanila ang "cost" para bumaba ang presyo upang mas lumakas ng benta ng produkto sa pamilihan.

Ipinapasa lamang sa iba ang bigat.

O maaari namang sa atin mismo, hindi nga lamang sa porma ng mataas na presyo.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...