Mahal ang pamasahe, reklamo ng isang mag-aaral.
Mahirap ang (ma)buhay.
Dagdag na parusa, reklamo ulit n'ya,
kung malimit pang lumiban sa klase ang dalubguro.
Inakala n'ya na naantala lamang ang pagdating.
Hindi pala.
Sayang ang kanyang (kanilang) pamasahe, lakas, oras at
mga bagay na ipinagpaliban para sana dumalo sa klase.
(Asar)-talo siya (sila).
(Asar)-talo ang pamantasan.
Sa anumang pamantayan, luge ang mamamayang
namumuhunan sa edukasyon ng mga Isko't Iska.
-Poldo Pasangkrus