Friday, October 17, 2008

Kalayaang pumili ng mga pinili (nilang) pagpilian natin

"Iginigiit ng mga tagapagbandila ng kapitalismo na ang sistemang pang-ekonomyang ito
ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na malayang makapamili.
Masasabi bang may kalayaan ka sa pagpili kung halimbawa'y ang mga pelikulang nakalinya sa takilya ay pare-pareho ng katangian (escapist, individualist, decadent, colonial). Kung magkagayon, ano na lang ang batayan ng pagpili - kung ano ang mas nakakakilig, kung ano ang mas jologs, kung ano ang mas maraming iluluha, kung ano ang mas malibog, kung ano ang mas madaming artistang gumanap, kung ano ang wala gaanong manonood para makalaplapan ang ka-date, ano na?"

-himutok ni Melba Pasangkrus, may assignment na film review at pamangkin ni Poldo

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...