Wednesday, October 01, 2008

Matalino si Inday!

Ilan ang mga sumusunod na naaalala kong tagpo
na lubos akong pinahanga ni Inday, 21 anyos at tubong Leyte:

  • Habang nanonood kami ng TV, naibahagi ko sa kanya na sinusuri ng klase ko sa Cultural Studies ang mga lokal na patalastas. Sabi ny'a, "Ah, yung mga propaganda."
  • Ipinaalala ko na dapat sinasabon ang lugar kung saan dumudumi ang aso.
    "Para mamatay ang mga parasite," dagdag niya.
  • Bilang paghahanda sa isang PPT presentation, itinala ko ang mga nakaupong senador sa kasalukuyan. Iniuri ko sila batay sa lima (strongly pro-GMA, nominally pro-GMA, independent, nominally anti-GMA at strongly anti-GMA). Nang aking repasuhin, kulang pala ng isa. Tinamad akong saliksikin on-line kaya tinanong ko siya.
    Ipinakita ko sa kanya ang tala:
    Santiago
    Lapid
    Revilla
    Zubiri
    Enrile
    Honasan
    Pangilinan
    Cayetano, Pia
    Arroyo
    Gordon
    Villar
    Aquino
    Biazon
    Escudero
    Legarda
    Roxas
    Estrada
    Pimentel
    Cayetano, Alan
    Lacson
    Madrigal
    Trillanes
    Lim (may nalalabing 3 taon pero nanalo sa pagka-alkalde sa Maynila)

    Tiningnan niya, nag-isip at sumagot: Angara.

    Hindi eksaherasyon ang popular na mga text joke ukol kay Inday.

    Tinanong ko siya dati kung anong pangarap n'ya maging.
    "Teacher", sagot niya.
    "Anong subject ang gusto mo ituro?," tanong ko.
    Nag-isip at sumagot: Political History

    Lupeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet mo, Rodessa!



DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...