Tuesday, October 14, 2008
Ang saksing (walang nagawa), si tiwali, sina tiwala at ang swerteng janitor
Isang tagpo sa isang pampribadong pamantasan malapit sa SM...
Nangulekta ang (tiwaling) dalubguro ng donasyong de-lata sa kanyang mga (tiwalang) estudyante.
Para raw diumano ito sa mga katutubong nasalanta ng kalamidad - ito ang kanyang press release.
Marami-rami ang nagdala, bunga na rin marahil ng dagdag na puntos sa kanilang grado.
Kanyang dinala ang mga nakulekta sa isang silid kung saan nagpapahinga ang kanyang mga kapwa guro.
Dito ko nasaksihang pinaghiwalay niya ang mga carnenorte sa mga sardinas.
Sa halip na ibigay sa mga dapat paglalaanan nito, kanyang iniuwi ang mga carnenorte at ibinigay naman ang mga natirang sardinas sa isang (swerteng) janitor na nagkataong napadaan sa silid.
Napatulala lang ako sa aking nakita.
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...