Wednesday, October 08, 2008

Tagpo sa Kutang Bato

Dalawang bagito ang nagkataong nagtagpo sa Kutang Bato.
Kapwa naghahanda para sa kani-kanilang klase.
Nagkataong pareho rin ng paksang tatalakayin sa araw na 'yon
Nagpasiklaban ng kanya-kanyang istilo ng paglatakay sa paksa.
"Ang istilo ko ay ganito," bulalas ng una.
"Ako nama'y sa paraang ito," buwelta ng isa.
Nagpataasan ng ihi. Tila walang magpapalamang.
Sa isip-isip ng bawat isa ay siya ang natatangi at pamantayan.
Nakakaawang pakinggan ang dalawa.
Sana kinausap na lang nila ang sarili sa salamin.
Kapwa sila nilamon ng kanya-kanyang matayog na tingin sa sarili - too consumed of themselves.

DS 112 tanghal tula ukol sa kalamidad (November 18)

Form a trio. Write an original poem in Filipino about your chosen topic. Avoid duplication of topic. Render the poem in this format: six sta...