Sunday, February 15, 2009

Mga kaisipan ni Mahar Mangahas ukol sa open opinion polling

  • Pinatitingkad ng open opinion polling ang partisipasyon ng publiko sa demokratikong diskurso.
  • May dalawang batayan ang paggamit ng survey report. Una, itinuturing na mahalaga ang kolektibong opinyon ng mamamayan. Ikalawa, itinuturing na nagsasabi ng totoo ang mga sumasagot sa sarbey. Sa parehong batayan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng demokrasya. Sa ilalim ng isang pamahalaang diktaturyal, walang puwang ang kolektibong pananaw ng mamamayan. Samantalang mapanganib naman para sa mga survey institution ang magtanong at sa mga mamamayan na sumagot ng kritikal at mapanlaban sa gobyerno.
  • "Every response should be faithfully recorded, correctly assembled and tabulated, and openly reported by the survey institutions," kanyang pagbibigay-diin.

    Over-analyzing surveys
    Mahalaga ring huwag samantalahin ang kakulangan ng sarbey.
    Wika nga ni John Nery, "I am wary of placing more weight on the survey results than they can (or were designed to) bear."

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...