Sunday, February 22, 2009

Planadong kahirapan

Nananalo ang mga kurakot tuwing halalan bunga ng maraming bagay. Isa rito ay dahil sa ibinibigay nilang "tulong" sa porma ng paminsang-minsang libreng bigas, libreng gamot, iskolarsyip, at maging libreng panlibing sa mga namatayan.

Sa katotohanan, ang mga ito ay galing mismo sa pondo ng bayan. Malaking bahagdan ng mamamayang mahihirap ang umaasa sa ganitong mga uri ng ganansya na kanila namang tinatanaw na utang na loob at pinasasalamatan tuwing eleksyon.

Ang ganitong kalagayan ay manipestasyon ng isang lipunang di-pantay at batbat ng pyudal at mala-pyudal na pagsasamantala.

Sinasamantala ng mga nasa poder ang karalitaan ng mga anakpawis.

Kung tutuusin ay isa ang korapsyon sa mga dahilan kung bakit hindi abot-kamay sa mga mamamayan ang maraming bagay na dapat talaga nilang tinatamasa mula sa pamahalaan tulad ng edukasyon at kalusugan.

Ang kabayaran ng kanilang ipinagbiling boto ay hindi panlipunang serbisyo, kundi planadong kahirapan.

Iginisa sila sa sarili nilang mantika, kumbaga.

Samakatwid, tinitiyak ng mga trapo na panatilihing atrasado at palaasa ang kalagayan ng kanilang nasasakupan sapagkat tinitiyak din nito ang kanilang patuloy na pamamayagpag sa larangan ng pulitika, ekonomya at kultura.

Ganitong lipunan ba ang gusto nating ipamana sa anak at anak ng magiging anak natin?

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...