Saturday, September 19, 2009

Pag-aaral Pangkaunlaran

Ang siyentipikong pag-aaral ng kahirapan at pag-unlad ng lipunan ay napakahalaga lalo na sa mga atrasado at papaunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas. Sa katotohanan, kailangan ng bansa ng maraming iskolar at praktisyuner sa larangang ito ng Agham Panlipunan. Masyadong kumplikado ang katangian ng kahirapan at pag-unlad na tanging mga multidisiplinal na kurso lamang ang higit na makasusuri at makatutugon. Matagal nang nagsimula ang kilusang ito sa Europa at lumalaganap na rin sa atin. Ang pagkakaiba'y mas binibigyang diin ng Development Studies Program ng UP Manila ang tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at pampolitikang edukasyon bilang lunsaran at pamantayan ng ganap na kaunlaran. Ang kursong Development Studies ay maituturing na alternatibo sa mga tradisyunal na kurso dahil sa alternatibo nitong praktikum, alternatibong estratehiya at programa sa pag-unlad at iba't ibang alternatibong paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng ACLE, ARTernatibo, Development Forum, tanghal-tula at iba pa.

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...