- Matapos salaulain ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining kamakailan, isa namang iginagalang na Pambansang Alagad ng Sining ang ngayo''y tinitiktikan ng estado.
- Mahirap magtiwala sa kandidatong ginagawang negosyo ang politika at pinupolitika ang negosyo.
- Totoong may mga upahang taga-simbahan para manira ng oposisyon. Buti't walang naniniwala sa kanya.
- Mahal ang magkaroon ng trabahong hindi mo talaga hilig dahil upang mapunan ang saya ay maaaring idaan ito sa mga di-makatwirang luho (mamahaling kape, mamahaling gamit, mamahaling paglilibang at iba pa). Sa kadulu-duluha'y walang ipon. Mayroon ma'y pampaospital lang ng tatlong araw.
- Ang mga sectoral regent tulad ng Faculty Regent, Student Regent at Staff Regent ay dapat manatiling Faculty's Regent, Student's Regent at Staff's Regent. Samakatwid, dapat silang magsilbi bilang mga People's Regent o mga tunay na kinatawan ng mga sektor. Ang mga posisyong ito'y hindi kailanman dapat ipagkatiwala sa katotohana'y mga "manok ng at himod-tumbong sa administrasyon".
Friday, September 18, 2009
random thoughts
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...