Sunday, October 04, 2009

random thoughts

  • Isang pamantasan sa Kalakhang Maynila ang nagbigay ng opsyon sa mga kaguruan nito na huwag nang magbigay ng pinal na eksaminasyon sa mga mag-aaral. Sa halip ay maaaring iukol ang oras sa pagsasapraktika ng mga natutunan sa klase sa pamamagitan ng pakikibahagi sa emergency management at pagtulong sa rehabilitasyon ng mga nasalantang komunidad. Halimbawa'y tutulong ang mga mag-aaral ng Sikolohiya sa psycho-social counseling o mga mag-aaral ng Komunikasyon sa public information campaign. Anila, isa itong alternatibo pero epektibong ng porma ng edukasyon.
  • Sumasang-ayon ako sa pahayag ng isang komentarista na karaniwan na tayong nakakabalita ng malalagim na sakuna subalit ang natatangi sa bagyong Ondoy ay marami sa mga biktima'y kakilala natin o tayo mismo.
  • Tama ang sinabi ng isang opisyal ng pamahalaan. Ang mga nasalanta na kasalukuyang nasa mga pansamantalang tirahan ay maaaring imobilisa o pakilusin upang mas mapabilis ang rehabilitasyon ng mga komunidad. Aniya, hindi sila dapat itinuturing na pabigat o perwisyo. Mga potensyal silang human resources, dagdag pa niya.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...