Wednesday, October 28, 2009

random thoughts

  • Tulad ng inaasahan, isa-isang nanlalagas ang mga kandidato sa pagkapangulo. Ang matitira'y yaong may 3 P's - peso, popularity, political party.
  • Patutunayan na naman ng halalang 2010 na hindi makabayan at makamamamayan ang mga malalaking partidong politikal sa bansa. Ang mas nananaig ay indibidwalismo, interes ng pamilya at negosyo. Kung gayo'y partidong politikal pa rin bang maituturing ang mga ito o mga pansamantalang samahang naitatag lamang na ang layo'y personal na ganansya.
  • Sigurista ang ilang may-ari ng malalaking kumpanya. Halimbawa, sa halip na sumugal lamang sa isang kandidato (sa pagkapangulo) ay mamumuhunan sila sa mas maraming kandidato sa porma ng donasyon para sa kampanyang elektoral. Sa pamamagitan ng taktikang ito'y tiyak pa rin ang proteksyon ng kanilang negosyo sinuman ang manalo.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...