Wednesday, November 18, 2009

random thoughts

  • Ulam ay nilagang talbos ng kamote at todo tipid sa pagkain. Pero may bagong mamahaling cellphone. Talaga naman. Conspicuous Consumption.
  • Pati ba naman alagang aso'y de-baterya. Marahil turing maging sa kapwa-tao'y de-susi rin. Dehumanization.
  • Pang(g)ulong naninikluhod sa simbahan. Taimtim magdasal. Pero sa labas ng dalangina'y kontra-mamamayan, kontra-demokrasya. Split-level Christianity.
  • Ang pagsukat sa kaunlara'y nililimita lamang sa laki at bilis ng paglago ng GDP. Tutol dito si Joseph Stiglitz at ang tawag n'ya dito'y GDP fetishism.
  • Masarap magturo. Pero mas masarap matuto. Pinakapaborable kung sabay.

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...