Wednesday, January 06, 2010

random thoughts

  • Puro awiting 'May Bukas Pa' ang kinakanta sa videoke ngayon. Epekto ito ng popular na teleserye sa Dos at marahil para paghugutan din ng inspirasyon para harapin ang ligalig ng 2010.
  • Agaw-atensyon ang isang manininda sa palengke dahil murang-mura lang daw ang benta niya sa mga bagong n'yang aning gulay at prutas mula sa Facebook.
  • Halos hindi ako makapaniwalang may sangay na sa loob mismo ng mall ang isang kolehiyo. Kakaiba na talaga mag-isip ang mga kapitalista-edukador.
  • Traydor ang teknolohiya lalo na sa pagkakataong 'di mo inaasahan. Babala ito sa mga nagtetesis. Marami nang buhay ang nasira : )
  • Tama si Joseph Stiglitz. Dapat magkaroon ng 'Green GNP' upang maisama ang masamang epekto ng mga gawaing pang-ekonomya sa kalikasan at para sa gayo'y mas maging makatotohanan ang pagsukat sa paglago o pagka-atrasado ng ekonomya.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...