- 5-7-5 ang sukat ng haiku. Sa pamamagitan nito ay nasusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral na ipaloob ang mga mahahalagang kaalaman sa paraang 'di maaksaya sa salita at tuwiran.
- Sinasanay rin nitong maging malikhain ang mag-aaral dahil maaaring gumamit ng simbolismo at word play.
- Sa mga pagkakataong kailangang bumuo ng exhibit ay madaling makakapamili mula sa mga pinakamahuhusay na haiku ng mga mag-aaral. Mula rin dito'y makakahalaw ng maaaring mailathala sa Faura Online, Manila Collegian, UP Manila Bagumbayan at iba pa. Nagagamit din ang mga haiku sa pagpapatampok ng mga panlipunang isyu at pagsusulong ng kilusang pagbabago.
- Sa pamamagitan ng pagbuo ng haiku ukol sa mga 'di pangkaraniwang paksa ay nahihikayat ang mag-aaral na magbasa at magsaliksik. Para maiwasan ang pagbabasa lamang ng iilang bahagi ng sanggunian (reference), pinagpapasa ang mga mag-aaral ng 3-5 haiku ukol sa mga sub-paksa. Kaya para hindi masayang ang pagkakataong matuto, kailangang magbasa ng mas marami kaysa ipilit na bumuo ng 3 o higit pang haiku na pare-pareho lang ng nilalaman batay lamang sa maikling bahagi ng sanggunian o sa depinisyon ng paksa sa wikipedia.
- Nakatutulong ang haiku sa pag-aaral ng mag-aaral lalo na kung ito'y katambal ng iba pang rekisito (pagbabasa, pag-uulat, concept map, dagli, at iba pa) dahil hindi naman makatwirang sa haiku lamang magsimula't matapos ang lahat. Katuwang lamang ito ng tradisyunal na paraan ng pag-aaral. Pero dapat laging tiyakin na ang paksa ay may kaugnayan sa asignatura.
- Bukod sa madaling iwasto, dahil sa kaiklian ng haiku ay mas madali rin itong ma-upload sa blog. Tipid espasyo. Sa pamamagitan nito ay nakaaambag ang mga mag-aaral sa kaalaman ng ibang magbabasa nito.
Friday, April 09, 2010
Bakit haiku? (updated)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...