Iboto ang
KATRIBU Partylist
Maghalal tayo ng kinatawan ng mga katutubo sa lehislatura na magsusulong ng kanilang batayang karapatan sa lupaing ninuno (ancestral domain) at sariling pagpapasya (self-determination).
Ang mga katutubo ay biktima ng iba't ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng militarisasyon, dislokasyon, at pagtatangi (discrimination).
Ang kanilang kultura ay pamanang-bayan (national heritage) na batayan ng ating pagkakakilanlan (identity) at kapupulutan din ng maraming kaalaman na may malaking pakinabang sa kasalukuyan (indigenous knowledge systems).
Kailangang tiyakin ang kanilang representasyon sa Kongreso.
Mahalagang bahagi ito ng kanilang pagsasakapangyarihan (empowerment) bilang sektor.