- UNANG BAHAGI
- Ang bawat grupo ay dapat magpasa ng 5-6 pahinang narration/script/text na magsisilbing voice over para sa AVP (TNR 12, double spacing). Isaad rin dito ang transcription ng isasamang panayam sa porma ng video clip. Isama na rin ang iba pang teksto tulad ng dedikasyon, pasasalamat at iba pa.
- Isulat ito sa wikang Filipino.
- Maikli lamang dapat ang bawat pangungusap
- Mag-isip ng angkop na titulo para sa AVP (halimbawa - Katig: Sandigan ng Masang Namamalakaya, Kiriwi: Kasalatan sa Batayang Pangangailangan ng Tribung Alangan Mangyan). Mas mainam kung mas maikli.
- Kailangan may (1) introduksyon ng lugar, mamamayan at isyu, (2) datos at pagsusuri ukol sa isyu at (3) rekomendasyon at konklusyon
- Isang partikular na isyu lamang ang kailangan tutukan at gagawan ng AVP.
- Tiyaking may susuportang datos (facts and figures) sa inyong mga pahayag at argumento.
- Ipasa ito sa umaga ng May 31 (Lunes) sa DSS. Sa araw na iyon ko rin iwawasto para maibalik agad sa inyo.
- Dapat maapruba muna ang narration/script/text bago magsimulang bumuo ng AVP.
- IKALAWANG BAHAGI
- Tiyaking malinaw, may diin at malakas ang boses ng narrator. Maaaring 1-2 ang gumampan nito sa bawat grupo (magkasunod o halinhinan)
- Gamitin lamang ang mga panayam sa porma ng video clip kung ito ay makakatulong sa diskurso ng inyong AVP. Gamitin lamang ang video clip na ito para bigyang diin ang inyong argumento. Samakatwid, huwag i-asa sa panayam ang buong AVP. Kaya mahalagang mahusay ang narration dahil ito ang magsisilbing salalayan ng inyong AVP.
- Maglagay ng subtitle. Tiyaking sapat ang laki at tama ang ispeling.
- Kung kinakailangan, saliwan ng angkop na background music (instrumental) ang narration. Iwasang matabunan ang narration ng nakabubulahaw na background music. Maaari namang gumamit ng background music na may lyrics sa bahaging walang narration o pawang larawan/video lamang ang ipinapakita.
- Iwasang magkapare-pareho ng background music. Nakakabagot manood ng mga AVP na may pare-parehong saliw na tugtog.
- Iwasang maging magastos para sa proyektong ito. Magpatulong sa mga bihasa sa pagbuo ng AVP.
- Bibigyan natin ng kopya ng AVP ang DSS, mga POs at NNARA.
- Dapat basahin ang Gabay sa Pagbuo ng AVP ni G. Yfur Fernandez (I-google: Gabay sa Pagbuo ng AVP). Makakatulong ito ng malaki.
Tuesday, May 25, 2010
Practicum Conference AVP (katumbas ng proyekto sa Econ 115)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...