Wednesday, August 04, 2010

Tagubilin para sa human ecology AVP (DS 127)

  • Ibigay ang sulat (humingi ng kopya nito kay Chariss Garcia) at isama ang tala ng mga tanong (na aprubado ko na) sa inyong kakapanayamin bago ang araw ng panayam.
  • Tiyaking magiging malinaw ang rehistro ng boses at maayos ang anggulo ng kuha, maging ang pipiliing lugar para hindi makaagaw ng atensyon ang ingay at background. Tiyaking kumportable rin dito ang kakapanayamin. Gamitin ang mga natutunan sa Kom III ukol sa wastong paraan ng panayam. Bukod dito ay magbasa-basa rin para sa dagdag kaalaman.
  • Ang AVP ay kailangang magsimula sa introduksyon ng paksa at pagpapakilala sa kinapanayam (voice over). Tapusin ito sa paglalagom at pasasalamat (acknowledgement).
  • Hindi kailangan isama ang buong panayam sa AVP. Isama lamang ang mga mahahalagang bahagi na makasasapat upang makabuo ng kritikal na diskurso. Tandaan na dapat tumagal lamang sa 15-20 minuto ang buong AVP.
  • Tiyaking tama ang pagbabaybay ng subtitle ng panayam.
  • I-save ang file sa format na kapwa mapapanood sa pangkaraniwang DVD player at laptop.
  • Magpatulong sa mga bihasa sa teknolohiya para hindi maging mabigat at magastos ang gawaing ito.
  • Maaaring magbigay ng simpleng token of appreciation sa inyong resource speaker. Magpasalamat sa pagpapaunlak at ambag niya sa ating edukasyon.
  • Ipasa ang AVP na naglalaman ng titulo nito, pangalan ng inyong kinapanayam at mga myembro ng grupo (printed).
  • Pagbutihin dahil ipapapanood din ito sa klase at sa iba pang mga mag-aaral sa CAS. Maaari ring humingi ng personal na kopya ang inyong kinapanayam.
  • Bukod sa ginawang paghahanda para sa pagbalangkas ng tanong, iminumungkahi kong ipagpatuloy ng bawat grupo ang pagbabasa ukol sa paksa ng kanilang panayam. Paghahanda ninyo rin ito para sa Q&A sa klase sa araw ng pagpapanood ninyo ng inyong AVP. Sa akin at sa isa pang propesor manggagaling ang mga tanong.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...