- Paiklian ng bati. Noong Bagong Taon, may kapwa gurong nagpadala sa akin ng mensahe sa pamamagitan ng text. Ang laman ng text ay HNY. Kamakailan naman ay kumalat ang pagbating HIWD na ang ibig sabihin ay "Happy international women's day!".
- May isang kawani ng DOST ang nagbigay sa akin ng dalawang halaman ng strawberry. Sweet charlie strawberry cultivar ang mga ito at batay sa mga nabasa ko "excellent choice for home gardens" at "deliciously sweet" ang katangian nito (Hindi pa namin natitikman).
- Hindi na ako gaano (o hindi na yata talaga halos) makapagpost ng mga random points tulad nito dahil masyadong naging abala sa dami ng binabasa at ginagraduhang papel, proyekto at iba pang rekisitong ipinasa ng mga mag-aaral sa klase. Araw-araw ay tambak ang mga ito. Wika ng isang kapwa guro, "We author our own problems." Hindi ko na rin naipagpatuloy ang pagsusulat ng kolum at lathalain sa 2 pahayagang tabloid (Taliba at Remate Tonight).
- Noong Disyembre, may tinanong akong mag-aaral ukol sa lagay ng kanyang thesis sa pamamagitan ng text. Maikli pero tuwiran ang kanyang sagot: "Like a slow turtle". Disyembre pa iyon. Tiyak patapos na siya ngayong buwan.
Friday, March 11, 2011
random points
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...