Monday, April 18, 2011

Batch 2011

Batch 2011. Una sa lahat ay gusto kong magbigay pugay sa inyong pagtatapos sa pamantasan ng bayan. Nais ko ring magpasalamat dahil pinili ninyong ituloy ang kurso sa kabila ng inisyal na pag-aagam-agam. Sa pangkalahatan, tama ang inyong naging desisyon. Sa aking pagkakatanda, kayo ang unang batch na sinalanta ng 300% tuition fee increase. Hindi kataka-taka na bunsod ng kondisyong ito ay marami sa inyo ang namulat bilang mga kritikal na mag-aaral ng pamantasan at piniling maging binhi ng pagbabago sa iba’t ibang paraan at kapasidad. Karamihan sa inyo ay 7-8 semestreng naging estudyante ko. Halos 4 na taon ko kayong naging kapwa mag-aaral ng lipunan at mamamayang Pilipino. Sa pangkalahatan, hindi ko maitatanggi na marami akong natutunan sa ugnayang ito. May mga masasaya rin tayong tagpo sa klase at alam kong sasang-ayon sa akin si Faye. May mga tagpo ring napagsasabihan ko ang buong klase. Humihingi ako ng paumanhin kung nakasakit ito ng inyong damdamin at nagpapasalamat din dahil hindi ninyo naman ako dinahas bilang ganti. Hehe. Masyado na itong seryoso at cheesy. Narito na ang inaabangan ng iba sa inyo. Ang tala ng aking mga hindi malilimot na tagpo ukol sa inyo sa nakalipas na halos 4 na taon. Cabiao – self-assessment sa Econ 11 (shark analogy) at ang pag-uulat ukol sa foreign remittance sa Econ 115. Conferido – pag-uulat ukol sa 5 stages of economic growth sa Econ 101 at martial arts exhibition sa DS 123 kalaban si Mr. Caspe. Cortes – kalabasa pandesal sa Econ 115 exhibit; KCT (yehey). Cortey - karaniwang highest scorer sa mga pagsusulit. Cruz – pagtuturo ng tamang handwashing technique at ang pagganap bilang Kuya Kim sa musical play. Jalina – mahusay na pagganap bilang bida sa Ang Bobo, Ang Trapo at Ang Bagong Tao; at ang pagiging responsableng OCS SA. Javier – pag-uulat ukol sa Kadamay (NSTP) at pawnshop (Econ 115), tapsilog. Mendoza – Ms. Blogger, Madam Cory at astig na bag noong PICC graduation. Roa – galante sa ink (DS 100 katutubo exhibit); minsan kong kinamusta ang thesis at ang isinagot ay “like a slow turtle” pero sa kabila nito ay nakatapos sa takdang oras at sa katunayan ay gagamitin pa ng DS Program para sa pagtatasa nito sa practicum program. Tejada – makapanindig balahibong pagtula sa LT noong nakaraang practicum conference; mahusay na mag-aaral ng bayan; pumapel na "brod pit" sa DS 123 creative presentation. Tenorio – neem tree at toga; pumapel bilang Manny Villar sa Ang Bobo, Ang Trapo at Ang Bagong Tao kaso nakalimot sa lyrics ng rap song. Abris – pangunguna sa lightning rally sa pagtatapos ng batch 2011 sa PICC at ang pagkanta ng Rosas ng Digma sa DS 126 kasama si Bb. Toledo na mala-UPM Chorale. Alfonso – Isang Kritikal na Pag-aaral Ukol sa Paggamit ng Bata sa Paggawa sa Sektor ng Agrikultura sa Victoria, Laguna. Caraan – mahuhusay na mga health advisory sa DS 123; mabait at mahusay magsulat. Cesar – Mabansag; kaparehong mahusay kaya mas nakalilito; giya ng Monta. Galang – nata de coco endorsement; responsible, matalino, mabait , lahat na… Mabansag – Cesar; kaparehong mahusay kaya mas nakalilito. Saliganan – mahusay na pag-oorganisa ng isang sampaksaan tampok ang Masipag. Soliza – mahusay na pagganap sa babaeng dinahas ng 3 militar sa musical play na Ang Bobo, Ang Trapo at Ang Bagong Tao; tuyo at tinapa (Econ 115). Santuele – Anne Curtis sa musical play na Ang Bobo, Ang Trapo at Ang Bagong Tao. Tayag – Torres, pangggagaya sa mga boses ni Picachu, mahusay na pagganap sa batang palaboy sa Villar jingle noong musical play suot ang malaking damit na gula-gulanit; toxic ang thesis. Torres – Tayag, pagsisit-in sa DS 123, mahusay rin sa pagganap bilang batang palaboy; toxic ang thesis. Villaceran – ampalaya (Econ 115) at bugtungan sa DS 123. Burgos – gatas ng kalabaw (Econ 115); palaging nananaig sa mga exam by elimination sa aking klase at ang kaisa-isang magna cum laude ng kanyang batch sa DS. Hangad ko ang inyong tagumpay. Isang karangalan ang makilala kayo at hanggang sa muli.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...