Sunday, June 24, 2012
Tinimbang ka ngunit kulang (literal)
Laganap ang paggamit ng mga may dayang timbangan sa maraming palengke. Kung ikukumpara ang bawat timbangan ng magkakatabi at nagsasabwatang mga tindahan sa pamilihan ay halos walang makikitang pagkakaiba sa timbang dahil pawang may mga daya. Kaso hindi lahat ng mga pamilihan ay may matatakbuhang timbangan ng bayan. Kung mayroon man ay pawang heavy duty kaya hindi rumerehistro ng maayos at hindi rin mababasa ng malinaw ang mga magagaang timbang (hal. 1/4, 1/3). Maliit na nga ang sahod ng mga anakdalita sa kabila ng nagmamahalang presyo ng mga bilihin ay madadaya pa. Saklap!
Dapat ay maging mas maagap ang DTI katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pangunguna ng market administrator upang lansagin ang malawakang dayaan. Dapat ding mas palakasin ang kilusan ng mga mamimili (consumer movement). Dapat ding umiral ang ethical trade sa hanay ng mga negosyante.
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...