- Sa mga napayuhan kong mag-drop na sa mga klase ko dahil sa labis na pagliban at mababang grado, simulan na ninyong iproseso ito sa OCS. Salamat sa pag-unawa sa mabigat na desisyon kong ito.
- Iniimbitahan ko ang iba pang mag-aaral ng DevStud na dumalo sa armchair exhibit ng DS 127 tampok ang pampolitikang ekonomya ng pagkain at nutrisyon ngayong Martes sa GAB 301B.
- Ang nalikom na halaga mula sa Bookay-Ukay ay ipambibili ng binhi para sa mga marhinalisadong komunidad. Samantala, ang mga natirang kalakal sa Bookay-Ukay ay ipinagkatiwala sa Gabriela Youth (UPM Chapter) para ipamahagi sa isang mahirap na komunidad sa QC at sa Tulong Kabataan Habagat relief drive.
- DS Seniors: Magpasa sa akin ng 2 kopya ng inyong practicon AVP sa CD format upang mabigyan ng sariling kopya ang DSS at CAS library. Lagyan ang mga ito ng cover title gamit ang poster lay-out na inaprubahan para sa AVP (yaong walang detalye ng petsa, oras at lugar).
- Pagpupugay kina G. R. Reyes, Bb. Betito at Bb. Villarda sa pagkapanalo sa DevStud B U quiz bee. Ganoon din sa mga DS Sophies para sa ARTernatibo. Hanggang sa muling pagtutuos. : )
- May resulta na ang Best AVP at Best Photo para sa Practicon. Samantala, naantala naman ang hatol sa Best Poster kaya hindi ko pa mai-aanunsyo ang kabuaang resulta. Salamat sa pang-unawa.
- NSTP (education) at DS 127 (climate change initiative) - Patuloy na aralin ang inyong mga flip chart bilang paghahanda sa indibidwal na presentasyon sa akin at iba pang kamag-aaral sa programa.
- DS Seniors, Juniors and Sophies, ipaabot sa akin sa pamamagitan ng text ang inyong feedback ukol sa flip chart presentation ng mga DS Freshies ukol sa iba't ibang paksang may kaugnayan sa pampolitikang ekonomya ng edukasyon. Martes hanggang Biyernes ang petsa ng kanilang presentasyon sa inyo. Inaasahan muli ang inyong kooperasyon sa gawaing ito.
- DS 126 - Maghanda sa daluyong ng mga babasahin.
Sunday, August 12, 2012
Mga Paalala
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...