- Maraming kabataan ang humabol sa pagpaparehistro sa Comelec (isa na rito si AG). Iboto lamang ang mga may makamamamayan at makabansang plata-porma de gobyero at napatunayan nang may katapatan at pananagutan sa bayan at batayang sektor.
- Sumasang-ayon ako kay Prop. R. Simbulan at Prop. R. Tuazon na ang dinastiyang politikal ay kontra-kaunlaran (anti-development).
- Usong-uso ang mild stroke at pabata nang pabata ang mga biktima nito. Sumangguni sa doktor o online ukol sa mga dahilan, sintomas, paano ito maiiwasan at paunang-lunas.
- Dapat paigtingin at suportahan ang mga Public Employment Service Office (PESO) sa bawat lokalidad upang mas maging epektibong tulay ito sa pagitan ng mga mamamayang naghahanap ng trabaho at mga kompanyang naghahanap ng mga maggagawa. Hindi ito dapat hinahaluan ng maruming politika.
- Pagpupugay kay Yfur Fernandez sa kanyang matagumpay na pagtawid mula online (sa isang kompanya sa U.S.) at print media (sa Manila Bulletin) tungong broadcast media (GMA News and Current Affairs).
- "Head loaders" ang tawag sa mga manggagawa sa industriya ng konstruksyon na ginagamit ang kanilang ulo upang magpasan at magdala ng mga mabibigat na bagay (hal. sako ng semento). Hindi nila alintana ang hatid nitong occupational hazard. Binabalewala rin ito ng kanilang mga kompanya.
- Panawagan sa mga magtatapos ng DS: Sana ay masimulan sa inyong batch ang pagpapamana sa mas nakababatang batch ng inyong mga naimbak na babasahin sa kurso.
- Sa mga nagpabaya noong nakalipas na semestre, gawing pagkakataon ang susunod na semestre para magbago.
- Salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa Diwang Palaboy.
Monday, October 29, 2012
random points (sembreak mode)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...