Wednesday, May 29, 2013

DS advising schedule (updated)

June 3 - Mesina
June 4 - Ponsaran
June 5 - Legaspi
June 6 - Arcilla
June 7 - Ponsaran

Random points

- Pagpupugay kay Ms. Velicaria para sa pagiging bahagi ng development-oriented research sa UP Third World Studies Center. Hangad ko ang tagumpay ng dokumentaryo ng inyong pangkat ukol sa small-scale mining.
- Bumili ako ng mga tilapia upang palakihin sa aming kapirasong fish pond.  Sana ay mapangatawanan ko ang organic tilapia culture.
- Mag-ingat sa mga tahasang kumukondena sa palakasan system pero palihim din namang nagsasamantala at nakikinabang dito. #tingin-tingin din sa salamin 'pag may time : ) Kaboooom!
- Magsimula ng magbasa-basa ng mga kaugnay na paksang nakapaloob sa mga asignaturang kukunin ngayong semestre bilang paghahanda sa pasukan.  Iba na ang handa, maagap at may-alam para tatak UP talaga.  

Tuesday, May 28, 2013

Survey: What makes a good reader? (Part 3)

- "Mapagbantay sa mga importanteng detalye." - Atty. Terry Ridon, Kabataan Party

- "A good reader is one who has keen interest on what she is reading and is thus able to analyze and critique what she is reading." - Dr. Lourdes Abadingo, UP Faculty Regent

- "With sharp senses and good inner processor that enables absorption and comprehension without distortion of content of reading materials. A good reader is propelled by self-initiative to sustain the reading habit." - Prof. Erle Frayne Argonza, Sociologist 

- "Kagustuhang matutunan/maunawaan ang babasahin." - Prof. Ren De Grano,  Cavite State University

- "I think a good reader makes a conscious effort to expose himself/herself to new sources and authors, and consciously tries to uncover the biases and context of the author." - Prof. Kevin Punzalan, Consular and Diplomatic Affairs Department

- "Understanding the context of the material and the motivation of the author.  It helps to read between the lines." - Mr. Jeremy De Jesus, Bangko Sentral ng Pilipinas

- "A good reader appreciates wide variety of materials and topics, knows how to entertain oneself and be critical as needed." - Ms. Georgina Ciriaco, Conservation International

- "A GOOD reader "tears" GOOD pages and integrates those pages in one GOOD book." - Mr. Richard Reyes, Development Studies student

Survey: What makes a good reader? (Part 2)

- "A good reader is sensitive about the author's biases and intentions. This applies to reading news articles, history books and even showbiz features." - Ms. Ivory Galang, Philippine Institute of Development Studies

- "Ginagamit ang natutunan sa nabasa at iminumulat ang iba ukol dito." - Mr. Miguel Deanon, Development Studies sophomore

- "A good and avid reader is someone interested  in a variety of topics and has read quite a number of books, become so engrossed in the material being read as if he/she is part of the story as it unfolds, is not easily persuaded by the opinion of the author but makes critical comments of what has been read, yet becomes passionate with what he/she read.  Most importantly, he/she finds time to read despite busy schedule that you'd normally find him/her in book shops than in vanity stores and he/she finds reading as a form of relaxation than a chore to fulfill.  A good reader also has a vivid imagination of what he/she reads, feels the emotion that the author conveys in the material, but can also disagree with the author's opinion contrary to his/her own.  Most importantly, when he/she puts down the book, there is a feeling of fulfillment.  Reading is a nourishment for the soul. a good reader always have a feeling of being transformed by the books he/she reads."  - Prof. Andrea Martinez, Behavioral Sciences Department

- "A good reader is one who has a genuine interest in reading and widening his/her mental horizon and can comprehend and process information efficiently and, above all, be able to apply the lessons learned to make a positive difference in life." - Mr. Aurelio Isaac Doctor, Development Studies senior

- "A good reader has a great imagination.  He/she also admits what he doesn't understand and consults a dictionary whenever possible." - Prof.Shayne Garcia, Organizational Communication Program

Survey: What makes a good reader? (Part 1)

- "discerning" - Prof. Fatima Castillo, Political Science Program

- "skeptical" - Mr. Yfur Fernandez, GMA News and Current Affairs

- "One who applies the good and positive things that he/she read from a book and one who understands what he/she has read."  - Prof. Jerome Ong, Area Studies Department

- "A good reader is a discerning reader.  Someone who doesn't simply reads and understands but someone who reads and can react using fair judgment, common sense and good sensibility to what he reads." - Directress Cherry Dator, Twin Hearts Child Care Learning Center

- "One who intensely mines and sincerely minds what he reads" - Dr. Leonardo Estacio, Behavioral Sciences Department

- "Curiosity and an obsession to be better informed than everyone else by regarding reading as a competitive form of entertainment." - Atty. Ishmael Khan, Supreme Court

- "A good reader is someone who takes time to be critical, to be critical even of critics." - Mr. Dino Pineda, The Philippine Star

Sunday, May 26, 2013

Advising schedule for DS

June 3 - Mesina
June 4 - Ponsaran
June 5 - Legaspi
June 6 - Ponsaran
June 7 - Arcilla

Thursday, May 23, 2013

Course highlights





NSTP
Peasant Situationer
Indigenous People Situationer
Fisherfolk Situationer
Industrial Worker Situationer
Women Situationer

DS 121 (Philippine Underdevelopment)
Poverty research 
Poverty across regions and sectors
Poverty and unemployment
Income, food and water poverty
Poverty reduction and eradication programs

DS 126 (Politico-administrative Institutions and Behavior)
Administrative culture
Ethics in public administration
Human resource development in the public sector
Comparative local government
Political communication and media ethics

DS 123 (Filipino Identity and Culture)
Crime and society
Religion and society
Health and society
Media and society
Advertising and society

Econ 115 (Philippine Economic History)
Consumer movement
Labor movement
Filipino inventors' movement
Sustainable local trade movement
Sustainable international trade movement


Wednesday, May 22, 2013

Bulaga!!!!!

 Booooooooom!

Ala-ala ng karanasan sa MPM

http://www2.upou.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=150%3Afmdsmpm&catid=4&Itemid=35

Industrialization of fruit consumption

Sa halip na kumain ng sariwang prutas, mas lumalaganap ngayon sa hanay ng mga pabata ng pabatang industrial consumer ang pagkain ng prutas na de-lata, pag-inom ng fruit flavored juice (artipisyal na pampalasa mula sa laboratoryo), at paggamit ng mga personal care product na may fruit extract kuno na tiyak ay sintetiko rin. Ang mga produktong ito ay kadalasang mas mahal, mas mapanganib sa kalusugan at mapanira sa kalikasan - samakatwid ay hindi sustenable o likas-kaya. Sa pamamagitan ng sabwatan ng mga food at cosmetic scientist, government "regulatory" institution at advertising company ay nagiging pangkaraniwan ang ganitong baluktot na kultura ng pagkonsumo.

Tuesday, May 21, 2013

Dangerous chemicals in personal care products

http://chemistry.about.com/od/healthsafety/tp/toxic-chemicals-in-cosmetics.htm

Mapagpalayang pananampalataya


Kahanga-hanga si Pope Francis sa kanyang mga batikos sa lumalaganap at lumalalim na cult of money at free market capitalism, at ang mga masasamang epekto nito tulad ng pagsahol ng agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman at ang higit na pagtaas ng bilang ng hanay ng maralita.  Dapat ay pamarisan siya ng iba pang pari upang mas maging makabuluhan sa lipunan ang kanilang mga gawain, aral at homiliya.  Masyadong lumulutang sa alapaap ang ilang mga pari at religious leader kung saan nakakasangkapan pa ang relihiyon upang maging manhid, bulag at mangmang ang kanilang mga tagasunod ukol sa mga isyung panlipunan.

Monday, May 20, 2013

Ponsaran's academic load this upcoming semester

- DS 121 Philippine Poverty and Underdevelopment
- DS 123 Filipino Identity and Culture - 2 sections
- DS 126 Politico-administrative Institutions and Behavior
- Econ 115 Philippine Economic History
- NSTP Development and Social Change
- Markets and the State (Master in Management Program)

Pagpupugay

- Pagpupugay kay Prop. Sharon Advincula Caringal bilang bagong tagapangulo ng DSS.
- Pagpupugay sa matagumpay na pagtatapos ng mga mag-aaral sa kanilang practicum sa mga kanayunan ng Mindoro, Rizal, Tarlac, Pampanga, Pangasinan at Cavite.
- Pagpupugay kay Doc Ed para sa kanyang ika-73 kaarawan nitong Mayo.  Humahanga po kami sa pananatili ng inyong sikhay sa pagtuturo, pananaliksik, serbisyo publiko at gawain sa pag- oorganisa.

Thursday, May 16, 2013

Random points

Para matanggal ang paper jam sa PCOS machine, ginagamitan pa ito ng mga board of election inspector ng kawayang papat, payong o walis-tambo. Salimbayan ito ng modernong teknolohiya at pagiging maparaan ng mga guro. Kaya naman bukod sa mga isyung software, kailangang masolusyunan din ang mga usaping hardware tulad nito para sa mga susunod na eleksyon.

* * *

Ang malapit na hinaharap...

Paniningil at pagganti ng mga talunang trapo sa mga komunidad na tumanggap ng suhol pero hindi sila ipinanalo


Pagkakasakit ng malubha ng mga trapo dahil sa hindi nila inaasahan at napaghandaang pagkatalo (karma?)



Paghihintay nang isang taon (dahil sa 1 year appointment ban) bago mabigyan ng pagkakataong mahirang sa anumang pampublikong posisyon (traditional politician turned traditional bureaucrat o trapo tungong trabu)

* * *

HINDI LANG MGA POLITIKO ANG HINDI MAPAGKATULOG...


Tiyak magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ng mga kontratista mula sa pribadong sektor kung makakaupo pa rin ba (incumbent) at/o makakaupo na sa wakas (challenger) ang mga kurakot na politikong kasabwat nila sa negosyo. Magkatuwang na pagpapasasa na naman ito ng tatlong taon sa poder.

Saturday, May 11, 2013

Salamat sa academic freedom, huwag lang dapat abusuhin : )

I remember one time I instructed my students during their long exam in society and culture class to look at the graffiti in their respective armrests and, based on it, use the theories of social deviance as frames of analysis. I call it deviant exam about deviance.

Friday, May 10, 2013

#palengke

For me, it is always interesting to observe and conduct mini-ethnography in public markets. It serves as our society's microcosm or a little world depicting economic and sociocultural exchanges, not to mention the underlying issues related to food politics, public health, and labor rights that are often taken for granted.

Sana kayo rin : )


Narito po ang aking mga ibobotong kandidato:
Casino
Villanueva
Hagedorn
Poe
Legarda
Villar
Pimentel
Escudero
Cayetano
Magsaysay, Jun
Trillanes
Madrigal
at ang
KATRIBU Party list

Random points

Tama ang sabi ng mga political at advertising analyst. Hahantong sa pagka-uyam at pagkainis ang reaksyon ng publiko kung lalabis ang pag-ere ng mga political campaign ad, lalo na yung mga hindi sinsero at mapagmanipula ng kamalayan. #mga basurang umeere

- - -

"Tuwid na daan" daw pero ang mga inaalyadong lokal na politiko ay kapwa baluktot. Tila nakompromiso na ang "pamantayan" ng Team Hepatitis.

- - -

Sabwatang food industry at pharmaceutical industry para lumaganap ang diabetes? Alam na!

Random points

- Salamat Anna, Shobie at Ren sa pagbisita sa amin at sa pagbabahagi ng inyong mga buhay na karanasan sa Timog Katagalugan.
- Ang tentatibo kong tuturuan ngayong paparating na semestre ay 6 na seksyon sa Development Studies Program at isang seksyon sa Master in Management Program.
- Pagpupugay sa mga DS na magiging doktor sa malapit na hinaharap: Ms. Dela Paz, Ms. Laforteza, Mr. Fajardo, Ms. Hechanova, Mr. Tejada, Mr. De Guzman, Mr. Arceo, at iba pa.  Ganoon din sa mga naging ganap na doktor na tulad nina Dr. Bilas, Dr. Gamad, Dr. De Vera at iba pa.
- DS 121, huwag kalimutang basahin ang aralin ukol sa globalization of labor : )
- Naantala ang pag-download ko ng 4 Pics 1 Word : )

Sunday, May 05, 2013

What's in a name?

- May kandidato sa isang lungsod na ang ngala'y Science Reyes.  May isang dalubhasa naman na ang pangalan ay Agham Cuevas.
- Ang mga kapatid naman ni Agham ay nagngangalang Sining, Likha at Kalikasan. Humahanga ako sa kanilang mga magulang na nagpangalan sa kanila ng makabuluhan at makabayan.
- Isa sa mga inaanak ko sa binyag ay nagngangalang Karl Maoxede. Tulad ng kanyang mga magulang, mulat din siya sa mga isyung panlipunan, lalo na sa mga usapin ng katutubong Pilipino.

Thursday, May 02, 2013

Academic load

- DS 121 Study of Philippine Poverty and Underdevelopment
- DS 123 Filipino Identity and Culture - 2 sections
- DS 126 Politico-administrative Institutions and Behavior
- Econ 115 Philippine Economic History
- NSTP CWTS - Social Change and Development

Random points

- Pagpupugay kay S.A.C.
- Taas-kamao para sa masikhay na paggampan nina Alex, MJ at Becca sa mga gawaing pag-oorganisa.
- Dapat nangunguna ang Pamantasan ng Pilipinas sa demokratikong pamamahala, hindi nasa laylayan.
- Hindi ko iboboto ang mga party list na mismong Presidente ang nag-eendorso.  Nangangahulugan kasi ito na hindi talaga sila marhinalisado. Period!
- Tatlong bagay na mahalagang taglayin ng mga mag-aaral - karakter, talino at disiplina

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...