Para matanggal ang paper jam sa PCOS machine, ginagamitan pa ito ng mga board of election inspector ng kawayang papat, payong o walis-tambo. Salimbayan ito ng modernong teknolohiya at pagiging maparaan ng mga guro. Kaya naman bukod sa mga isyung software, kailangang masolusyunan din ang mga usaping hardware tulad nito para sa mga susunod na eleksyon.
* * *
Ang malapit na hinaharap...
Paniningil at pagganti ng mga talunang trapo sa mga komunidad na tumanggap ng suhol pero hindi sila ipinanalo
Pagkakasakit ng malubha ng mga trapo dahil sa hindi nila inaasahan at napaghandaang pagkatalo (karma?)
Paghihintay nang isang taon (dahil sa 1 year appointment ban) bago mabigyan ng pagkakataong mahirang sa anumang pampublikong posisyon (traditional politician turned traditional bureaucrat o trapo tungong trabu)
* * *
HINDI LANG MGA POLITIKO ANG HINDI MAPAGKATULOG...
Tiyak magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ng mga kontratista mula sa pribadong sektor kung makakaupo pa rin ba (incumbent) at/o makakaupo na sa wakas (challenger) ang mga kurakot na politikong kasabwat nila sa negosyo. Magkatuwang na pagpapasasa na naman ito ng tatlong taon sa poder.