Sunday, June 02, 2013

Random points

Marami na raw ang nagbuwis ng buhay sa isang irigasyon na aking nabisita dahil "napaglaruan" o "nakursunadahan" ng mga engkanto. Binabalewala ng ganitong mga atrasadong paniniwala ang kapabayaan sa istruktura at pagbabantay sa lugar para maiwasan ang mga aksidente. Ganito rin ang baluktot na paniniwala (false consciousness) tuwing may malulunod sa mga ilog na may isinasagawang malakihan at mapaminsalang quarrying. Sa halip na mapanagot ang sabwatan ng lokal na pamahalaan at pribadong kontraktor dahil sa pinsalang pangkalikasan at ang epekto nitong biglaang paglalim ng ilog ay isinisisi ang trahedya sa mga kababalaghan.


Magiliw na sinariwa ng isang manang na aking nakapanayam (96 taong gulang) ang kanyang kabataan at ang panahon at lipunan kung saan ito uminog. Ang ating mga kasamang nakatatanda ay repositoryo ng makabuluhan at malalim na mga kaalaman at kwentong-buhay. Pinakamataas na pagpupugay sa kanila.

Mahalaga ang paglalakbay sa iba't ibang pook. Tangan ang tamang disposisyon at pananaw ay isa itong mapagpalayang karanasan. Pero iwasang maging dayuhan sa moda ng produksyon, politika at kultura ng ating sariling mga komunidad. #mag-ikot ikot, makisalamuha at makipagtalapapagan din (talakayan sa papag) pag may time  


- Sa bangketa sa poblasyon, isang manininda ng prutas sa kariton ang may epektibo at makabuluhang paraan ng paghikayat sa mga mamimili. Isinulat niya sa mga piraso ng karton ang mga sakit na nagagamot ng kanyang mga kalakal na prutas. May katwiran siya. Wika nga ng isang doktor, "Of all the medicines out of earth, food is the chief." #pharmafood

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...