Thursday, November 07, 2013

Development Studies

- multidisiplinal na larangan ng Agham Panlipunan
- iniluwal ito ng layuning mas maunawaan ang kalagayan at tuwirang matugunan ang pangangailangan ng mga bansang dating kolonya at nanatiling atrasado ang ekonomya
- ginagamit ang mga disiplina ng Ekonomiks, Agham Pampolitika, Sosyolohiya, Agham Tao, Pamamahala, Ekolohiya at iba pa upang aralin ang kaunlaran at kahirapan
- komplikado ang proseso ng pag-unlad at ang problema ng kahirapan kaya pinaka-epektibo itong masusuri gamit ang multidisiplinal na paraan
- ang larangang ito ay maaaring aralin sa iba't ibang antas - BA, MA at PhD
- mahalaga ang pag-aaral na ito lalo na sa mga mahihirap at papaunlad na bansa sa Asya, Latin Amerika at Aprika na may naiibang katangiang pang-ekonomya at panlipunan kung ikukumpara sa mga mauunlad na bansa sa Europa at Hilagang Amerika
- may kaugnayan ang kursong ito sa Development Policy, Development Geography, Development Communication, Development Anthropology, Gender and Development, Development Management o Development Administration, Global Health and Development, International Humanitarian Work, at iba pa (ang ilan pa nga sa mga ito ay itinuturing na subspecialization ng Development Studies)
- mas tumitingkad ang pangangailangan sa mga dalubhasa ng larangang ito lalo na sa kasalukuyang yugto ng lumalalang suliraning panlipunan tulad ng kahirapan, kagutuman, kalamidad, pagkasira ng kalikasan, disintegrasyon ng mga komunidad, at iba pa
- dapat taglayin ng mga scholar at practitioner ng Development Studies ang pagiging kritikal, masigasig na mag-aaral, maalam sa mga konsepto at prinsipyo ng kaunlaran, mahusay magpahayag, epektibo at etikal na mananaliksik, may malasakit sa interes ng batayang sektor, bihasa sa pag-oorganisa ng samahan o komunidad, at iba pa
- epektibong gamitin ang critical political economy at critical international political economy bilang mga lente sa pag-aaral ng kaunlaran at kahirapan upang maunawaan ang ugnayan ng ekonomya sa politika  at kultura ng lipunan, at ang interaksyon ng mga lokal at global na pwersa, at ang impluwensya ng mga ito sa mga mamamayan, komunidad at bansa
- hangarin ng Araling Pangkaunlaran na bumuo ng lipunang maunlad na nakabatay sa karapatang pantao at panlipunang hustisya

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...