Sunday, June 29, 2014
Praksis AVP
Magsimula na bumuo ng Praxis AVP script. Ilimita ito sa apat na pahina (TNR, 12 points, 1.5 spacing). Tandaang magkaiba ang paraan ng pagsulat ng pangkating ulat na ipinasa ninyo at ng AVP script para sa komperensiya. Pareho itong kritikal sa pananaw pero kailangang mas payak at maikli ang pangungusap sa script dahil sa katangian ng ating mga manonood na maaring hindi lahat ay bihasa at maalam sa mga isyung panlipunan. Bawat grupo ay dapat may sarili at natatanging paraan ng paglalahad sa kanilang AVP upang hindi maging pare-pareho ang istilo at hindi maging kabagot-bagot sa manonood. Halimbawa, hindi lahat ng AVP ay dapat magsimula sa palasak na presentasyon ng heograpiya. Maging maparaan kung paano sisimulan ang pagkukwento ng karanasan ninyo kasama ang batayang sektor sa komunidad. At tandaan na dapat epektibo ninyong maipaabot bilang mga kritikal na iskolar at mananaliksik ang panawagan at pakikibaka ng batayang sektor para sa isang makatarungang lipunan sa paraang mapamukaw, mapanuri at makapagpanibagong-pananaw at hubog. #aja #kwentongmaykwenta #overallcoordinator:madamagsino #deputycoordinator1:narratorpat #deputycoordinator2:cherry
DS 112 concept map on CPBI in/through MIL
Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...