Thursday, June 12, 2014

Salamat, Therese


--,--'------'-----{@
Para kay Therese

June 26, 2012 nang una akong nabigla sa aking pagpasok sa GAB 301B dahil bumungad sa akin ang isang napakagandang banner para sa isang NSTP ACLE ukol sa politics of  education.  Pinakamagandang disenyo ng banner ito sa kasaysayan ng aking pagtuturo, at marahil maging sa buong panahon nang ilalagi ko sa propesyong ito.

Kahanga-hanga rin ang flip chart ng inyong grupo ukol sa pedagogy of the oppressed.  Excellent in terms of both form and substance.  Napakalaki rin ng ambag mo sa pagbuhay ng ating mga booth tuwing DSS at Development Studies Weeks. #minutetowinitdevstudeditionetc

Batay pa lamang sa mga ito ay alam ko nang magiging matagumpay ka sa pag-aaral at maging sa anumang propesyong tatahakin mo.  A person of brain, beauty and character, I must say.

Hindi ko rin malilimutan ang ipinakita mong malasakit sa mga kapwa mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapaalala na huwag magpapabaya sa klase.  

At sa mga biruan sa loob at labas ng klase, laging nakahanda ang iyong mga ngiti ng pakikisama at pakikiisa.

Salamat sa  pagbabahagi ng iyong kabaitan, talino at pagkamalikhain sa amin at sa programa.

Pinakamataas na pagpupugay sa iyo, kasama, kaibigan, anak, at kapwa mag-aaral ng lipunan at kaunlaran.

Mahal na mahal ka namin ng iyong mga naging kamag-aral at guro.

Hanggang sa muli, Therese...

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...