Saturday, January 10, 2015

Paalala at mensahe

- Josh Bata: Pahingi po ng pahintulot sa paggamit ng isa sa mga coffee painting mo bilang tampok na larawan sa aking syllabus para ngayong semestre.
- Paula Luna: Salamat sa regular na pagbibigay ng datos ukol sa subject enlistment turn-out ng mga asignatura sa Development Studies.
- Mga naka-INC sa akin nitong nakaraang semestre: Ipaalam sa akin kung sa anong asignatura ko ngayong semestre ang napagpasyahan ninyong mag-sit in.
- Jullius Bartolata at Lorraine Jayag: Balitaan ako sa inyong napagkaisahang hakbang ukol sa DS 199.2.
- Thesis advisees - Magpadala ng e-mail update ukol sa naging estado ng thesis ninyo nitong nakaraang bakasyon.
- Mga shiftee tungo sa DS - Mag-email ng inyong biodata upang higit ko kayong makilala bilang isa sa inyong mga tagapayo.
- Sa mga nangangailangan ng elective: Iminumungkahi ko ang CD 112 (Rural Development). Makabuluhan at mapapakinabangan ng mga development worker sa hinaharap.
- Sa lahat ng mga nagpabaya: Paunlarin ang sariling kakayahan para makapag-ambag sa pagpapa-unlad din ng iba.
- DS Freshies: Magbasa ng mga artikulo ukol sa paksang Youth demography in the Philippines.
- DS Sophies: Nalalapit na ang tunay na buhay. Huminga ng malalim at maghanda.
- DS Juniors: Ipaalam sa akin sa pamamagitan ng text ang inyong naaprubahang paksa para sa note taking (bullet format) at ang estado nito (hal. Third world diplomacy, atbp.).
- DS Seniors: Mahalin ang thesis tulad ng pagmamahal sa iyo ng inyong mga magulang. #wagas #purosakripisyo #ibinuhosanglahat #hindibumitaw #arawarawlamanngisip Ganito ka rin ba sa thesis mo? Siguro higit pa. hihi
- John Ponsaran: chillaxmodeconfigured

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...