Wednesday, June 24, 2015

Random thoughts

- Masarap pala ang inihaw na saba na pinahiran ng mantikilya at pinagulong sa asukal.  Natikman ko ito kanina sa isang pampublikong pamilihan.
- Bukod sa siopao na alam natin, mayroon na ring toasted at crispy siopao.
- Humahanga ako kay Prop Ren De Grano ng PUP Alfonso na humihimok sa kanyang mga mag-aaral na mag-ipon ng limang piso araw-araw bilang panustos sa kanilang P600 na matrikula kada semestre.
Tinawag niya itong Project Tuition.
- Huwag tumawad o mambarat ng mga masang manininda.
- Tumulong ako kanina sa imbentaryo ng isang lokal na kooperatiba. Isa itong masaya at makabuluhang karanasan.
- Napakahalaga ng cultural literacy, media literacy at financial literacy. Dapat itong mapalaganap sa mga paaralan.
- Tangkilikin at isulong ang mga pamilihang bayan na likas-kaya.
- Marami tayong konsiderasyon sa pagpili ng trabaho. Pero unahin ang pagiging makabuluhan nito.
- Mungkahi ko sa mga magiging miyembro ng GSIS ay maging boluntaryong miyembro rin ng SSS.
- Taong 2000 ako nagsimulang magturo sa kolehiyo.  Pahantong na sa ika-15 taong anibersaryo. Napapanahon na talagang gawing bahagi ng kasaysayan ang katoxikan.
- Paalam, NSTP, thesis advising, Practicon, ARTernatibo at Econ 115. Kbye.
- Sabik na akong maging hurado sa ARTernatibo 2015. Isusuot ko ang Magneto costume sa ayaw at sa gusto ninyo. Tnx.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...