Huling tagubilin sa mga mahal kong mag-aaral ng lipunan at kilusang pagbabago na magsisipagtapos:
1. Isakongkreto at pagyamanin sa labas ang mga natutunan sa pamantasan.
2. Patuloy na mamulat at magmulat. Ang edukasyon ay hindi makasarili.
3. Patuloy na magbasa, magsuri at magsulat ukol sa inyong mga magiging mayamang karanasan sa mapipiling larangan.
4. Balikan ang komunidad na inyong kinapamuhayan noong practicum at thesis, at patuloy na mag-ambag sa pag-unlad ng mga mamamayan nito. Naging mahalagang bahagi sila ng inyong tagumpay ngayon.
5. Gamitin ang kapangyarihan ng modernong teknolohiya para sa mga makabuluhang layunin.
6. Tandaan at isabuhay ang pilosopiya ng Ubuntu: I am what I am because of who we all are. Tayo ay tayo dahil sa ating kapwa.
7. Pumanig sa uring pinagsasamantalahan sapagkat isa itong moral na obligasyon.
Maraming salamat at pinakamataas na pagpupugay sa 2015 graduating batch. Hangad ko ang inyong tagumpay sa mas malawak na larangan ng buhay. Labyu. Kbye.
Wednesday, June 17, 2015
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...